Kakaibang maagang pangangaroling ng mga kalalakihan, umabot na sa 2.5 million views

Kakaibang maagang pangangaroling ng mga kalalakihan, umabot na sa 2.5 million views

- Nag-viral ang kakaibang klase ng pangangaroling na binahagi ng isang netizen

- Makikitang may dance steps pa ang grupo na tila kinuha pa sa sikat na sayaw ng Momoland ang 'Baam'

- Umabot na sa halos 2.5 million views ang video sa loob lamang ng isang linggo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang masiglang pangangaroling ng isang grupo ng kalalakihan.

Sa viral post na binahagi ng netizen na si Albert Ledesma, makikita ang mga lalaking nangangaroling sa tapat ng isang kainan.

Todo costume at choreography pa ang mga ito at mayroon din silang gitarista at taga-patok ng kahon.

Todo hataw sa kanta at sayaw ang mga kalalakihang ito na tila kumuha pa ngilang steps mula sa popular na sayaw ng Momoland ang 'Baam'.

Habang kinakanta nila ang bersyon nila ng "Ang pasko ay sumapit", nalapatan din nila ito ng dance steps na siyang nagpasigla sa kanilang pangangaroling.

Maaga pa man daw bago ang kapaskuhan, marami nang mga netizens na nagnanais namatapatan ng grupong ito upang mapanood daw nila ito ng 'live'.

Umabot na sa mahigit 2.4 million views ang naturang video na talagang kinagiliwn din maging ng mga netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Dto nmn smin ganda lht ng barya ko pti alkansya bibigy pg ganyan ang mangangaroling."
"Ang cute, may pa-Baam pa silang nalalaman!"
"Ok ah! Advance merry Christmas po dyan sa inyo sa pinas. God bless to all!"
"Magandang ideya to ah, magaya nga!"
"Mababa na dapat ang 50 sa mga to, wag silang papayag na bente lang!"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel