PAO chief Acosta, may akusasyon din laban sa ‘Ang Probinsyano’

PAO chief Acosta, may akusasyon din laban sa ‘Ang Probinsyano’

- May mga hindi ikinatuwa si PAO Chief Persida Acosta sa “Ang Probinsyano”

- Ayon kay Acosta, ginamit daw ng palabas ang kanilang logo ng walang paalam

- Inireklamo din niya ang pagportray sa PAO chief sa palabas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May reklamo rin si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta ukol sa ABS-CBN teleserye na “Ang Probinsyano.”

Nalaman ng KAMI na ukol ito sa paggamit ng logo ng PAO sa isang episode ng programa.

Sa panamayam niya sa Philippine Daily Inquirer, sinabi ni Acosta na dapat daw ay pinagpaalam muna ang paggamit ng nasabing insignia.

“Ginamit ‘yung logo, ‘yan ang sinasabi ni Senator Ping eh, ‘yung paggamit ng mga insignia, ‘yung mga logo. Hindi naman pinagpaalam sa PAO iyan eh…

“Dapat ho pinagpaalam man lang ho iyon dahil may batas sa use of insignia,” sinabi niya.

Inireklamo rin ni Acosta ang pag-portray sa PAO chief dahil takot ito sa government officials. Hindi rin daw accurate na sa PAO humingi ng tulong para hanapin ang nawawalang kamaganak.

“Madalas kong makontra ang Pangulo. Hindi naman ako natatakot dahil may batas. Ang PAO ho walang inuurungan basta mandato natin…

“Sumangguni para hindi ‘Wow Mali,’” paliwanag ni Acosta.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nauna nang ipinaliwanag ng ABS-CBN at ni Coco Martin na fiction ang kanilang palabas at hindi totoo ang mga character, events, at mga lugar na kanilang ipinapalabas, gaya ng inireport ng KAMI.

Bago pa magreklamo si Acosta, nagreklamo rin si PNP Chief Oscar Albayalde dahil sa mga corrupt at masamang pulis na ipinakikita sa palabas.

Sa kabila ng mga reklamong ito, patuloy pa rin ang pagsuporta sa “Ang Probinsyano.”

POPULAR: Read more news about Coco Martin!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid

Meet the lovely sister of Ruru Madrid, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel