Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

-Maging ang alkalde ng Borongan Samar na si Fe Abunda nakatanggap din balato mula sa P1 billion lotto winner na tiga-roon din

-Ayon sa alkade, natuwa daw talaga siya na pati siya ay naalalang bigyan nito

-Personal din daw nitong kilala ang maswerteng nanalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaaga ang mga aginaldo para sa mga mamamayan ng Borongan sa Samar nang mamudmod ng balato ang isa P1 billion lotto winner doon.

Nauna nang naibalita ng KAMI na nagbigay ng halagang P5,000 ang lotto winner sa mga dating ka-trabaho sa munisipyo.

Napag-alamang dati pala itong regular na empleyado doon.

Maging ang alkalde na si Mayor Fe Abunda nakatanggap din ng balato mula rito.

"Natuwa ako nung isang araw, I was in my office, mayroon akong isang empleyado, 'Mayor, nandito yung P5,000 mo,'" anito sa DZMM.

Ipinangbili daw nila ng neryenda ang nakuhang balato mula sa maswerteng nanalo sa lotto.

Mahing ang mga tricycle drivers na nakasama nito sa pamamasada ay makatatanggap din ng parehong halaga at maging ang simbahan ay mabibiyayaan din.

"Tapos yesterday, nagsimula ang pagbibigay sa kaniyang ka-street. Bawat household binibigyan din nila ng P5,000," ani Abunda.

Ayon dito, personal daw niyang kakilala ang bagong milyonaryo.

"The mother of this person naging yaya sa anak ko. Yung ako'y naging mayor, nabigyan ko po siya ng pagkakataong maging permanent employee,"kwento ni Mayor Abunda.

May payo naman ang alkalde para dito.

"Sana ayusin mo, ninyo ang buhay ninyo, dapat mag savings. Bumili kayo ng house and lot, at least yung mga bata, ipag-savings ninyo hanggang lumaki at saka konting negosyo kahit hindi na bumalik sa trabaho. At least gamitin ninyo ang pera sa tama,"

Wala na ang pamilya nito sa kanilang dating tirahan para sa seguridad at tanging ang kaibigan nito ang siyang pinagkakatiwalaang magbahagi ng biyaya mula rito.

Source: ABS-CBN

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sara Duterte sets a deadline for her to decide on presidential bid

Sara Duterte sets a deadline for her to decide on presidential bid

Sara Duterte sets a deadline for her to decide on presidential bid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel