Palaban! Agot Isidro, may hirit sa “power naps” ni Pangulong Duterte

Palaban! Agot Isidro, may hirit sa “power naps” ni Pangulong Duterte

- May bwelta naman si Agot Isidro sa nabalitang “power naps” ni Pangulong Duterte sa ASEAN

- Ilang events ang hindi nasipot ni Pangulong Duterte sa ASEAN

- Kinumpara naman ng aktres ang Pangulo sa Prime Minister ng Malaysia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabalita nga na tila ilang events sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits ang hindi nasipot ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa diumano “power naps” nito. Nalaman ng KAMI na ang aktres na si Agot Isidro ay may bwelta sa ginawa ng 73-year-old President na ito.

Sa isang tweet, sabi ni Isidro na, “Hiyang-hiya naman si Malaysian PM Mahathir bin Mohamad (93 years old) sa iyo.”

May nakasagutan din na netizen si Isidro base sa report ng Inquirer. Giit ng isang netizen, “Everytime nababasa ko post ni @agot_isidro napapa. Marami ka naman pera mam lipat ma nalang ng bansa kesa nahihirapan ka sa mga reklamo mo sa buhay. D mo din naman kaya sumuporta. Balik ka nalang pag iba na presidente. Ganun nalang ano po?”

Agad naming sumagot ang aktres sa tweet na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa report ng GMA News, ang Prime Minister ng Malaysia na si Mahatir Mohamad ay 93 years old na pero nagagawa pa rin daw nito gampanan ang kanyang mga tungkulin.

“I don't know how I manage," giit ni Mahathir.

“I always attend meetings. It's my duty. If I can, I will. If I'm sick, I won't,” dagdag niya pa.

Si Mahatir ang kasalukuyang pinakamatandang lider sa buong mundo.

Samantala, naiulat nga ng KAMI na paliwanag ng Palasyo ay tatlong oras lang daw ang tulog ni Pangulong Duterte kaya kinailangan niyang bumawi at magpahinga.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Stray Kids - I Am You: KPop Zero Budget Parody | Zero budget parody for another K-Pop hit of this year, I Am You by Stray Kids. Add some smoke, a sophisticated look, simple decorations and here we go - the music video is ready! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel