From reel to real! 15 Showbiz love teams na naging real life couples

From reel to real! 15 Showbiz love teams na naging real life couples

Sa mundo ng showbiz, hindi maiiwasan na ang mga patok na patok na love teams ay magiging katotohanan dahil na rin sa kanilang pagsasama habang nagtatrabaho.

Hindi na rin mabilang ang mga reel love teams sa Philippine showbiz na naging totoong magka real life sweethearts o couples.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya ngayon, sisilipin ng KAMI ang 15 na mga showbiz love teams na nauwi sa totohanan ang relasyon.

1. Marian Rivera and Dingdong Dantes

Sinong hindi makakalimut sa fated romance ng Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mula sa pagiging Sergio Santibañez at MariMar Perez sa isa sa pinag-usapang teleserye sa Philippine television, ang MariMar hanggang sa magiging Mr. and Mrs. Dantes.

Ika pa ng GMA News Online, kung saan una naming naispatan ang balitang ito, ang kanilang love story ay nakasulat na sa mga bituin.

Naging mag-asawa na sila simula noong 2014 at nabiyayaan ng isang anak na babae na si Zia noong November 2015, at ngayon, they are expecting their 2nd child.

2. Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

During sa promotion ng kanilang super hit at blockbuster film na The Hows of Us, inamin ng King and Queen of Hearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na real life couple na pa sila for over 5 years.

3. Lotlot de Leon and Monching Gutierrez

Ang mga magulang ni Kapuso star Janine Gutierrez na sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez ay naging isa sikat na love team noong '80s, at kalaunan ay nagpakasal at nagkaroon ng apat na gwapo at tatlong magagandang mga anak, including Janine.

Nagkahiwalay man sila ay always nandyan naman sila sa kanilang mga anak.

4. Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo

Nagkasama sina Juday at Eat Bulag Dabarkad sa Krystala ng Kapamilya TV primetime series noong 2004 hanggang 2005.

At kinumpirma nila umano ang kanilang relasyon ilang buwan pagkatapos ng mga bali-balitang lumabas at nagpakasal sa isang pribadong seremonya.

Ngayon, proud parents na ang dalawa ng tatlong anak na sina Yohan, Lucio, at Luna.

5. Inah de Belen and Jake Vargas

Ang magandang anak nina John Estrada at Janice de Belen na si Kapuso actress Inah de Belen at si Jake Vargas ay unang nagkatrabaho at naging magka love pair sa soap opera 'Oh My Mama,' at simula noon raw ay naging inseparable na ang dalawa at naging open naman sa kanilang relasyon with their kilig photos together sa kani-kanilang social media pages.

6. Charlene Gonzalez and Aga Muhlach

Una ng inamin ni Aga Muhlach na hindi sila dumaan sa girlfriend at boyfriend stage ng kanyang beauty queen wifey na si Charlene Gonzales, at ito ay binahagi niya uli sa pagguest sa Magandang Buhay, ayon pa sa balita ng ABS-CBN News.

Ani pa daw ni Aga sa mga momshies:

“We left for Singapore. We had taping for ‘Oki Doki Doc’ but a week before that, I spoke to my mom. Sabi ko sa mom ko, ‘Mama, mag-aasawa na yata ako.’ Alam mo sabi ng nanay ko? ‘Sino si Charlene?’ 'Yun pala, nakikita pala nila sa taping 'yung alaga ko kay Charlene or kapag napag-uusapan si Charlene, kung paano daw ako magsalita"

Dugtong pa ng First Love actor kung paano siya nagpropose kay Charlene:

“So we went to Singapore for taping. She was feeling something. Pinaparamdam ko na rin sa kanya na there’s something. And then I just proposed to her, walang singsing. If she said no, then doon ko siya liligawan. Sabi ko, ‘Will you marry me?’ And she said, ‘Yes.’ Naiyak ako."

They're celebrating their 17 years together sa taong ito.

7. Erich Gonzales and Daniel Matsunaga

Sa panayam ng Rappler ay inilahad ni Erich Gonzales kung paano sila naging item ni Daniel Matsunaga, at ito nga ay dahil raw sa taping ng kanilang TV series sa Kapamilya na pinamagatanga Two Wives pero unang nagkilala sa taping ng Kris TV sa Palawan.

At naging magkaparehas sa Be My Lady, isa sa pinakatangkilik na reel to real love teams ang dalawa na ang tawag ay DanRich.

Ngayon, masaya na sila sa kani-kanilang buhay matapos magkahiwalay.

8. Carla Abellana and Tom Rodriguez

Naging magkapareha naman sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa My Husband's Lover ng Kapuso Primetime Series at sinundan ng My Destiny.

Hanggang ang reel on-screen team up ay naging real romance na at inamin nila kalaunan.

9. Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Ang good-looking couple naman na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay nag-umpisa bilang mga lead stars ng romantic drama Kapuso Primetime TV series na Makapiling Kang Muli.

Habang tumatagal ang reel romance nila ay naging real-life pag-iibigan na nagbigay sa kanila ng napakagwapong mga anak na sina zion at Kai.

10. Manilyn Reynes and Janno Gibbs

Naging isa sa mga pinakasikat na love teams umano sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs noong '80s at naging real-life couple.

Gayunpaman, hindi man nagkatuluyan ay masaya sila sa kani-kanilang pamilya at nanatiling magkaibigan.

11. KC Concepcion and Piolo Pascual

Naging magka love team sa Lovers in Paris sa Kapamilya TV series na naging real couple.

Gayunpaman, masaya na sila sa kani-kanilang mga buhay.

Si KC ay masaya na sa kanyang handsome French beau at si Piolo naman ay going strong at gwapo pa rin hanggang ngayon.

12. Heart Evangelista and Jericho Rosales

Nagkasama naman sina Heart Evangelista at Jericho Rosales sa Ang Panday noong 2005.

Ngayon, masaya na sila sa kani-kanilang buhay may asawa.

13. Elmo Magalona and Janine Gutierrez

Naging winning love team naman sina Janine at Elmo sa Villa Quintana, na nagkasama pa sa ilang mga proyekto.

Noong late 2016 umano sila nagkahiwalay.

14. lya Villania and Drew Arellano

Nagkasama umano sina Drew at Iya sa hit barkada show ng Kapuso ang Click, at naging 10 years na magsing-irog bago magpakasal noong 2014.

Ngayon, mayroon na silang dalawang anak.

15. Kim Chiu and Xian Lim

Pagkatapos sumikat ang Pinoy Big Brother love teams na Kimerald na sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Sunod naman naging kapareha ni Kim ay si Xian Lim na naging sikat rin bilang KimXi.

Kamakailan lang ay finally kinomfirmed ni Chinita Princess ang real score talaga nila Xian pagkatapos ng mga haka-haka sa Tonight with Boy Abunda.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel