Nahusgahan daw agad! Driver sa road rage at may plakang '8', dumipensa

Nahusgahan daw agad! Driver sa road rage at may plakang '8', dumipensa

-Dumipensa ang suspek na sangkot sa pananakit sa isang motorista at may sasakyang may plakang '8'

-Ayon dito, hindi ipinakita ang buong pangyayari bago ang kanyang pananakit sa driver ng sedan

-Nasaktan din umano ang kanyang 4 na buwang gulang na anak dahil sa insidente na siyang dahilan ng kanyang galit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw buo ang kwento ayon kay Jojo Valerio, ang suspek sa pananakit sa isang motorista na nakaalitan sa kalsada, na nauna nag naiulat ng KAMI.

Sa isang interview sa DZMM, ipinaliwanag nito ang panig at ang diumano'y totoong pangyayari.

"Sa CCTV kasi ang nakita is the 2 minutes itself na may ginagawa na ako sa kaniya," anito.

Bago daw ang parteng ito ng video na kumalat sa social media, nakaengkwentro na nila ang isang sedan na matulin ang takbo.

"Pagkaliwa namin sa isang daan, biglang may matulin na isang sasakyan... Binilisan ko ang andar ko. Bigla po akong prumeno. Pagkapreno ko po, 'yung 4-month old na anak ko ay gumulong po," kwento nito.

Hawak daw ng ina ng bata ang kanilang anak ngunit dahil lakas ng impact ng kanyang preno, nabitiwan ang bata.

Dahil daw dito kaya uminit na ang kanyang ulo. Hinabol daw niya ito para sana patigilin ngunit hindi nito ginawa.

"I wanted him to stop. I want to confront him."

Nang mahabol ito, bumaba raw siyang mag-isa at itinangging may kasama siyang bumaba. nang komprontahin niya ang driver, nalaman niya daw na nakainom ito at nakipagmurahan din sa kanya.

"I really don't have the intention to punch him. But I have the intention para murahin siya. Guguluhin ko talaga siya nung araw na iyun. Gigil na gigil po ako nun eh,"

Maya-maya'y dinuraan na siya nito. Doon na daw siya tuluyang nawalan ng kontrol at pinagsusuntok ang driver.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nahirapan umanong makababa ang kanyang assistant na nasa passenger seat sa sasakyan. Hindi raw ito bodyguard.

Humingi na rin daw siya ng kopya ng CCTV. Aniya, nahusgahan din daw siya agad ng mga tao dahil sa nagyari.

"I was prejudged early."

"Alam ko na maling manakit ng tao. Hindi ko po dinedeny 'yun. Kahit saan pong anggulo tingnan, kahit sino, ano pa sabihin, hindi po dapat nananakit," anito.

Samantala, nang matanong ito kung bakit '8' ang plaka ng sasakyan nito sinabi lang nito na dismiss daw ang mga kasong naisampa sa kanya maliban sa slight physical injuries.

Napaulat na kay Pampanga 1st District Rep. Carmelo Lazatin II ang plaka ngunit itinanggi ito ni Valerio.

"There was no intention of introducing myself as a congressman or anak ng congressman. Unang baba ko, wala akong sinabi... Kung may gagamitin po ako, sa pamilya ko po. Bakit ako magna-name drop ng isang tao na hindi ko po kilala?"

Sa isang report ng ABS-CBN, sinabi ni Valerio na ito raw ay bigay ng isang kaibigan.

“As per information gathered, binigay lang daw ng kabarkada niya. We will conduct deeper investigation,” ayon kay HPG Director Roberto Fajardo noong Huwebes.

Pinalitan na rin umano nito ang plaka sa FJ Cruiser.

Samantalang naiulat rin ang isa pang insidente kung saan sangkot din daw ito sa isa pang road rage sa Congressional Ave., Quezon City.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel