P1 billion lotto winner na taga Samar, pinilahan nang mamigay ng balato

P1 billion lotto winner na taga Samar, pinilahan nang mamigay ng balato

- Namigay ng lotto ang bilyonaryong lotto winner na taga Borongan Samar

- Nakatanggap na ng tig-₱5,000 ang mga kasamahan nito sa trabaho sa Barangay city hall

- Inaasahan ding makatatanggap ng balato ang mga ka-toda o kapwa tricycle driver ng nanalo gayundin ang bawat pamilya ng kanyang barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila naging maaga ang pamasko ng mga taga-bararangay Borongan sa Samar nang mamahagi ng balato ang ngayo'y bilyonaryo nang lotto winner sa kanilang lugar.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, naglaan ng 4.8 million pesos ang nanalo sa mga katrabaho sa city hall. Napag-alamang nito lamang Agosto naging regular employee ang di nagpakilalang lotto winner.

Pumila ang mga empleyado ng barangay sa kanilang treasurer's office kung saan nakatanggap sila ng tig-₱5,000. Laking pasalamat nila sa nanalong katrabaho dahil nauna pa raw ang balato kaysa sa kanilang Christmas bonus.

Ang kaibigan ng nanalo na si Joselito Badiola ang pinagkatiwalaan ng nanalo na magpamudmod ng balato.

Dahil sa pumapasada rin ng tricycle ang lotto winner bago siya manalo para pandagdag kita, makatataggap din ng balato ang kanyang ka-toda, pareho ng halaga ng natanggap ng mga taga-city hall.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang linggo, inaasahan ding mabibiyayaan ang bawat pamilya ng barangay Borongan dahil sa naglaan din ang nanalo ng 5 milyong piso para rito.

Sinuwerte rin ang lotto outlet kung saan tumaya ang nanalo dahil sa dinagsa sila ng mga tumataya sa pagbabakasakaling sisuwertehin din sila sa outlet na iyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica