Vice Ganda, humirit sa pagkakatanggal ng Filipino bilang isang core subject

Vice Ganda, humirit sa pagkakatanggal ng Filipino bilang isang core subject

- Matapang na tinalakay ni Vice Ganda sa It’s Showtime ang pagtanggal sa ilang subjects

- Kamakailan lang ay napagdesisyunan ng Korte Suprema na alisin ang Filipino at Panitikan

- Bumuwelta naman ang komedyante sa hakbang na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ng komedyanteng si Vice Ganda na magkomento o magbigay ng opinyon sa mainit na issue na tatanggalin na ang Filipino at maging ang Panitikan sa mga itinuturo sa kolehiyo.

Nalaman ng KAMI na nagdesisyon ang Supreme Court na huwag nang isama sa mga ituturo sa kolehiyo ang mga nasabing asignatura sapagkat pinag-aaralan naman daw ito sa elementarya at sekondarya.

Bukod pa dito, ang pagtanggal sa Filipino at Panitikan ay magdudulot din diumano ng mas magaan na school load para sa mga mag-aaral.

Ngunit sumalungat naman dito ang ilang hosts ng programang It’s Showtime lalo na si Vice dahil naniniwala daw siya na hindi pa gaanong bihasa ang mga Pilipino sa pagsasalita ng wikang Filipino.

Sa katunayan nga daw ay mas marami pang mga nag-aaral sa kolehiyo na mas alam bigkasin ang wikang Ingles imbes na ang Tagalog.

“Ang Pilipino ba talaga ay alam na alam na talaga ang lahat, ang pasikot-sikot sa wikang Filipino o hindi pa?”

“Alam niyo ba yung tagalog ng verb, tagalog ng noun… Pero pag pinag-usapan na yung pangngalan, pandiwa, pang-uri, panghalip, yung kakalkalin pa ntin ulit kasi nakakalimutan na natin,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa pa sa mga kinontra ng Praybeyt Benjamin star ay ang desisyon kamakailan lang na isama sa curriculum ang Korean language.

Bagamat sinabi ng aktor na walang masama sa pag-aaral ng ibang salita, dapat daw ay maging bihasa muna sa pagsasalita ng sariling wika.

Sa pagtatapos ng argumento ng komedyante, nanawagan siya na sana ay pag-aralan muna ang desisyon upang malaman kung ano ang nakabubuti.

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, hinayaan ng Kapamilya actor na kausapin sa telepono ng kaniyang kapwa hosts ang rumored boyfriend niyang si Calvin Abueva.

Si Vice ay isinilang noong March 31, 1976. Bukod sa pagiging aktor, isa ring recording artist si Vice at ang kaniyang unang studio album ay may pamagat na “Lakas Tama.” Nagkaroon na rin siya ng mga concert sa Araneta Coliseum.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings? Click “Play” to watch our hilarious expectations vs. reality video about PayDay in the Philippines. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel