It's Showtime host Vhong Navarro, proud sa kanyang 'Halik' writer girlfriend

It's Showtime host Vhong Navarro, proud sa kanyang 'Halik' writer girlfriend

- Isang proud boyfriend nga si It's Showtime host Vhong Navarro sa kanyang long-time girlfriend na nagsulat rin sa isa sa kanyang mga movies

- Siya pala ang isa sa mga writers ng 'My Only U' na pinagbibidahan ni Vhong at ni Toni Gonzaga at ang pangalan nya ay si Tanya Winona Bautista

- At siya lang din naman ang writer ng top-rating Kapamilya television series ang Halik

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ani pa nila, kung ang mga jeepney drivers raw ay sweet lovers, ang mga writers naman daw ay ang mga best lovers.

At tila totoo nga ito sa sitwasyon ni It's Showtime host Vhong Navarro sa kanyang 10-year-relationship na screenwriter girlfriend na si Tanya Winona Bautista dahil lalo pa raw itong gumaganda, tumitibay, at lumalakas.

Spotted ng KAMI ang ngayon ay sikat na girlfriend ni Vhong dahil siya lang naman ang nagsulat sa napakontrobersiyal at hit Kapamilya TV series na Halik.

Saad pa sa balita na ibinahagi ng ABS-CBN, sa gitna ng mga pagusok at mga kontrobersiya na pinagdaanan nila ay hindi ito natitinag.

Isang malaking isyu at kontrobersiya ang nasangkutan ni Vhong Navarro noon pero nanatili lang raw si Tanya Winona Bautista sa tabi ng Kapamilya star hanggang ito ay maresolba.

Bahagi pa sa ulat, ang kanyang pagmamahal sa It's Showtime host ay "unconditional" at " selfless" dahil pinili niya ang ipagsantabi ang kanyang nararamdaman sa mga panahon na iyon at mas mahalin pa si Vhong.

Male version daw niya si Vhong Navarro at isa sa greatest gifts ni God, dugtong pa sa ulat.

Nagkilala pala sila sa set ng My Only U noong 2008, ang pelikula na pinagbibidahan ni Vhong at ni Toni Gonzaga.

Isa si Tanya raw sa mga writers ng naturang pelikula at parang meant to be talaga dahil ang pangalan ng karakter ni Vhong ay Bong habang si Toni naman ay Winona.

Kaya naman noong 2016, sa kanilang anibersaryo ay pinalitan ni Vhong ang mukha at pangalan ni Toni sa poster nila sa My Only U sa mukha at pangalan ni Tanya Winona Bautista, at nagcaption pa ito ng:

"First time ko gumawa ng movie na RomCom, dito ko nakilala ang babaeng nag-aalaga, nag-papasaya at nagmamahal sakin nang sobra sobra! Kaya ang title na 'My Only U' ay nababagay sayo @t.winona (Tanya) dahil nag-iisa ka lang na gumawa nyan sa buong buhay ko. Mahal na mahal kita! Happy Anniversary!"

Bukod pa sa My Only U, isa rin siya sa mga seasoned writers ng Hawak Kamay, Pasion de Amor, Magpahanggang Wakas, at ang napakasikat na TV series ngayon ng Kapamilya, ang Halik.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay, nanalo ng P1 million matapos tanghaling 'UAE's Best Nanny'

Pinay, nanalo ng P1 million matapos tanghaling 'UAE's Best Nanny'

Pinay, nanalo ng P1 million matapos tanghaling 'UAE's Best Nanny'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel