Nabudol? OFW na kakauwi lang, naloko at natangayan ng P300K at gamit sa NAIA

Nabudol? OFW na kakauwi lang, naloko at natangayan ng P300K at gamit sa NAIA

-Kinaibigan umano ng suspek ang OFW na si Germelie Martin na kauuwi lang mula sa Hong Kong

-Anito, nakumbinsi siya nitong mag-withdraw ng pera sa ATM at nakumbinsi ring ibigay rito ang kanyang passport, alahas at cellphone dito

-Sa isang follow up operation , nahuli ang suspek na hindi pa pinagalanan ng pulisya ngunit halagang P65,000 na lamang ang nabawi mula rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa complaint ng overseas Filipino worker (OFW) na si Germelie Martin, sinabi niyang nakumbinsi daw siya ng bagong kakilala lamang na ibigay rito ang pera, passport, alahas at cellphone niya.

Natangay sa kanya ang mga ito, at ang halaga ng pera na nanakaw sa kanya P300,000 na pinaghirapan niya sa pagiging Domestic helper sa Hong Kong.

"Pinaghirapan ko po ang pera bilang isang DH pero ninakaw lang po nang walang kapagod-pagod," anito.

Kinaibigan daw siya ng babaeng suspek habang naghihintay siya ng connecting flight papunta sa Tuguegarao City, Cagayan, sa NAIA Terminal 3.

Kalaunan, nakumbinsi daw siya nito na mag-withdraw ng pera sa malapit na ATM. Nakumbinsi rin siya nitong ibigay rito ang kanyang passport, alahas at cellphone.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang perang ito, ipangtutubos niya sana sa nakasanlang property.

Agad siyang humingi ng tulong sa Police Intelligence and Investigation Division of the Airport Police Department.

Ayon sa General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) na si Ed Monreal sa ABS-CBN News, kinilala ng biktima ang suspect mula sa mga mig shots na hawak ng pulisya.

Marami na rin pala itong kinsangkutang kaso ng panloloko mula sa mga kauuwi lang na OFW.

Sa isang follow up operation, nahuli ang suspek na hindi muna pinangalanan. Nabawi mula rito ang perang nagkakahalaga ng P65,000 at ilang gamit na ninakaw nito.

Source: ABS-CBN News

Nabudol? OFW na kakauwi lang, naloko at natangayan ng P300K at gamit sa NAIA

Photo source: Getty images
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalawang batang beki, kinagiliwan sa pagrampa gamit ang 'imaginary heels'

Dalawang batang beki, kinagiliwan sa pagrampa gamit ang 'imaginary heels'

Dalawang batang beki, kinagiliwan sa pagrampa gamit ang 'imaginary heels'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel