Jeepney love story! Dalagang nakatulog sa jeep, nagka-lovelife na

Jeepney love story! Dalagang nakatulog sa jeep, nagka-lovelife na

-Dahil sa pagod sa kanyang pag-aaral, nakatulog daw si Tin sa jeep, ngunit hindi niya inasahan na doon pala magsisimula ang kaniyang lovelife

-Isa kasi sa nakasakay niya noon, tila nahalina sa kanyang ganda kaya naman tinandaan daw ang pangalan niya at doon na nagsimula

-Napakatamis ng mga salita ng bawat isa sa programang Wowowin at maging si kuya Wil nainggit sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinilig at nainggit ang mga manonood ng programang Wowowin ni Willie Revillame noong November 14 sa magkasintahan na nagsimula sa jeepney.

Isa sa mga kalahok ng programa si Tin, nang magtanong si kuya Wil tungkol sa lovelife nito, ibinahagi nito kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Dala daw ng pagod sa pag-aaral, nakatulog ito sa jeep pauwi. Hindi niya namalayan na may isa pala siyang kasakay na nabighani na sa kanyang ganda.

Ayon sa nobyo nito na si Chris, nang makita niya ang pangalan nito mula sa ID nito sa school agad niya tinandaan ito at para 'di malimutan ay itinext niya ito sa sariling numero.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon na niya ito sinimulang kinilala, ngunit naging magkaibigan muna sila bago niya ito pinursigeng ligawan.

Nang hingan ito ni kuya Wil ng mensahe para sa nobya, sinabi nitong:

"Iingatan kita, po-protektahan kita kahit kanino tsaka higit sa lahat ipagmamalaki kita. Mahal na mahal kita."

Hindi na napigilan ng mga host ang kiligin dahil dito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Fishball vendor, proud na makapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Fishball vendor, proud na makapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel