Fiancé ng 1 sa mga nasawi sa Lion Air crash, itinuloy ang kanilang kasal

Fiancé ng 1 sa mga nasawi sa Lion Air crash, itinuloy ang kanilang kasal

-Sa kabila ng pagluluksa, itinuloy pa rin ng isang babae ang kasal dapat nila ng kanyang fiancé na isa sa nasawi sa Lion Air crash

-Kwento nito, bago maganap ang aksidente, nagawa pang magbiro ng kanyang husband-to-be na kung hindi man ito makarating sa kasal ay ituloy niya ito

-Ngunit nagkatotoo nga ang sinabi nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila nagbigay ng premonisyon si Rio Nanda Pratama nang sabihin nito na kung hindi man ito makarating sa kasal nila ng fiancé na si Intan Syari ay ituloy nito ang kasal.

Isa si Rio sa 189 na pasahero na nasawi sa Lion Air crash sa Indonesia nitong October 29. Mula sa Jakarta, pauwi na sana si Rio sa Pangkal Pinang.

13 minuto pagkatapos nito lumipad nag-crash ito sa karagatan. Kumitil ito ng 189 katao.

Sa kabila ng pagluluksa, itinuloy pa rin ni Intan ang kanilang kasal dahil sa naging pahayag noon ni Rio.

Sa isang Instagram post ni Intan, ipinahayag nito kung paanong nagbiro ang yumaong husband-to-be.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“If I don’t return by Nov 11, go ahead wear your wedding dress that I chose for you, wear a beautiful make-up, ask for a fresh white rose from Ms Sheila (wedding organiser), and take good photos. Then send the photos to me.”

“There is sadness that I cannot describe, but I have to smile for you. I shall not mourn. I have to stay strong like you always told me,” ani Intan.

Sa isang pang post nito, sinabi nitong kahit na hindi na niya nakasama si Rio, naroon naman ang kapatid nito para samahan siya sa kasal nila.

“although you are not beside me, your sister was with me to fulfill your most beautiful last wish. I know you are happy up there…”

Isang doktor si Rio at isa namang finance staff si Intan sa Bakti Timah hospital sa Pangkal Pinang.

Source: The Asianparent, Instagram

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Meghan Markle’s luxurious baby shower in NYC costs $200,000

Meghan Markle’s star-studded baby shower in NYC costs $200,000

Meghan Markle’s star-studded baby shower in NYC costs $200,000
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel