Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

- May komento rin ang mga senador sa issue na kinakaharap ng pulisya at Ang Probinsyano

- Tila magkaiba ang opinyon ni Senador Grace Poe at Senador Panfilo Lacson

- Maging si Coco Martin ay nagsalita na rin sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot na sa Senado ang isyu ukol sa diumano hindi magandang pagganap ng mga pulis sa ABS-CBN teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano. Nalaman ng KAMI na nagsalita sina Senator Panfilo Lacson at Senator Grace Poe sa issue.

Sangayon naman si Senator Lacson sa sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na tila hindi raw maganda ang imaheng ipinapakita ng Ang Probinsyano sa pulisya. Para kay Lacson, “unfair” daw ito sa mga pulis ayon sa balita ng Inquirer.

“Let’s face it. Marami rin namang mabubuting nagawa ang PNP, especially the leadership, especially now,” giit ni Lacson.

“I think it’s unfair to portray the PNP na parang ganoon,” dagdag niya pa.

Dating naging PNP chief din si Sen. Lacson. Sinabi rin niya na labag sa batas ang pagsuot ng uniporme ng pulisya ng mga taong hindi naman talaga pulis. Bagamat pwede raw ito pero hindi dapat eksaktong uniporme ng pulisya.

“Bawal sa batas iyan. Bakit ka magsusuot ng uniporme kung hindi ka pulis?” giit ni Lacson.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nagkomento rin si Sen. Grace Poe sa issue. Giit niya, “bato bato sa langit, tamaan ay ‘wag magalit.”

Giit ng senadora na fictional lang daw ang kwento ng Ang Probinsyano na nabuo sa imahenasyon ng mga taong nagta-trabaho sa likod nito.

“The story emanates from the source material, with bits of twists. There are antagonists in the story, which did not only include the police, but many others. Pwede natin sabihin na “bato-bato sa langit, tamaan ay ‘wag magalit,” sabi ni Poe.

“How the people view the police is based on the actions of the real police they see on the streets, and not on the acting of fictional cops they watch on screen,”

Si Poe ang anak ni Fernando Poe Jr., ang unang bumida sa Ang Probinsyano. Nasa teleserye rin ngayon ang nanay ni Poe na si Susan Roces.

Unang naibalita ng KAMI na tila hindi raw maganda ang ipinapakita ng Ang Probinsyano na imahe ng pulisya. Ito raw ay “very disturbing” at nagreact din ang mga netizens sa komento niyang ito.

Naiulat din ng KAMI na nagkomento ang ABS-CBN at si Coco Martin, ang bida sa teleserye. Sa isang social media post, ipinakita ni Coco ang disclaimer na may caption na “Pasensya na po!”.

POPULAR: Read more news about Coco Martin here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel