Estudyante, gumagawa ng assignment sa tabing kalsada dahil wala silang kuryente

Estudyante, gumagawa ng assignment sa tabing kalsada dahil wala silang kuryente

-Kaawa-awa man ang kalagayan ng batang ito, kahanga-hanga naman ang kanyang abilidad

-Sa isang viral post sa social media, nakuhanan ang isang paslit na gumagawa ng assignment sa tabing-kalsada malapit sa poste ng ilaw

-Ang dahilan, wala silang kuryente sa kanilang tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Madalas nating kuwestyunin ang mga natatanggap nating biyaya. Minsan nagrereklamo pa tayo. Ngunit ang minsan kulang sa atin ay sobra na para sa iba.

Tulad ng isang bata sa isang viral post. Nakuhan itong gumagawa ng kanyang assignment sa tabing-kalsada, malapit sa poste ng ilaw.

Ang dahilan, wala silang kuryente sa bahay kung kaya kailangan pa siyang lumabas sa kanilang tahanan.

Hindi lamang ito ang problema, kundi ang nakaambang panganib sa kanya doon. Kalsada ito at maaaring anumang oras ay may dumaan na sasakyan.

Ngunit hindi na ito alintana ng batang ito na pursigidong matapos ang kanyang takdang-aralin para sa kinabukasan.

Ayon sa caption ng post na ito mula sa facebook page na Sikat Ka Na TV:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Eto dapat yung nabibigyang pansin, nakakaawa pero nakakabilib itong bata, gumagawa ng assignment sa tabi ng kalsada sa malapit sa poste ng ilaw dahil wala daw silang kuryente sa bahay,

gusto nya daw makatapos sa pag-aaral para makatulong sa pamilya nya, wala talagang imposible sa taong nagpupursige.. sana matupad mo mga pangarap mo at maging ispirasyon ka sa kabataan..

paki Share na lang po para matulungan ng gobyerno.."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel