Tapang ni ina! Inihagis ang 2 anak mula sa ika-5 palapag para makaligtas sa sunog

Tapang ni ina! Inihagis ang 2 anak mula sa ika-5 palapag para makaligtas sa sunog

-Hindi matutumbasan ninuman ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak

-Sa isang video footage, makikita kung paanong inubos ng ina ang lahat ng kanyang lakas upang mailigtas lamang ang kanyang mga anak mula sa sunog

-Sa kasawiang-palad hindi ito nakaligtas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang video footage makikita kung paanong inubos ng isang ina ang lahat ng kanyang lakas para mailigtas ang kanyang mga anak mula sa kapahamakan.

Isang sunog ang sumiklab sa isang apartment building sa China. Mula dito, makikita ang malaking usok.

Makikita ang isang ina mula sa bintana ng kanilang apartment sa ika-5 palapag. Una nitong inihagis sa mga tao sa baba ang isang blanket.

Makapigil-hininga na ang mga sumusunod na eksena, sumunod na inihagis nito ang anak na 9 na taong gulang na ligtas namang nasapo sa baba.

Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao nang ihagis naman nito ang 3 taong gulang na anak na babae at una ang ulo pabagsak.

Muntik pa itong tumama sa isang air condition. Ligtas din itong nasapo ng mga tao sa baba ngunit nagtamo ito ng leg fracture.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit, mukhang ibinuhos na nito ang lahat ng lakas para mailigtas ang anak na babae dahil pagkatapos nito ay nawalan na ito ng malay sa mismong bintana.

Dinala ang mga ito sa ospital ngunit kalaunan ay nasawi rin ang dakilang ina.

Lubos ang pakikiramay at paghanga ng KAMI sa nanay na ito.

Tunay ngang walang makakapantay sa pagmamahal at sakripisyo ng mga magulang para sa mga anak. Hindi matutumbasan ang kanilang kayang ibigay kahit pa ang sariling buhay.

Kamakailan ay naiulat rin ng KAMI ang pagsasakripisyo ng ina sa sariling katawan upang mailigtas ang anak mula sa isang pagsabog.

Ano-ano nga ba ang mga dapat na tandaan upang makaiwas sa ganitong sakuna sa mga apartment?

-Siguraduhin na may mga smoke alarm sa loob ng bahay

-Siguraduhin na alam kung saan ang mga fire exits

-Huwag nang pilitin pang buksan ang pinto lalo na kung ito ay mainit na, sa halip tumawag agad sa fire department at balutan ng mga basang tuwalya ang paligid ng pinto para mapigil ang pagpasok ng usok.

Makakatulong rin ng malaki kung magkakaroon ng fire insurance. Sabi nga nila, mas mabuti na daw ang manakawan kumpara sa masunugan dahil walang ititra ang apoy sa inyo.

Source: The Asianparent Singapore, Brick Underground

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
15 Famous and most followed Pinoy celeb trios sa Philippine entertainment

15 Famous and most followed Pinoy celeb trios sa Philippine entertainment

15 Famous and most followed Pinoy celeb trios sa Philippine entertainment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel