NBA legend Yao Ming, nakapagtapos ng pag-aaral sa edad na 38

NBA legend Yao Ming, nakapagtapos ng pag-aaral sa edad na 38

- Tila hindi pa naging huli ang lahat para sa NBA legend na si Yao Ming

- Matapos magretiro sa NBA ay bumalik sa pag-aaral si Yao Ming

- Grumaduate siya sa kursong economics sa Shanghai Jiao Tong University

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala nga ang dating NBA player na si Yao Ming hindi lang sa kanyang galing sa basketball kundi rin sa kanyang pambihirang height na 7’6”. Nalaman ng KAMI na matapos nitong magretiro sa basketball ay bumalik siya sa pag-aaral.

Sa edad na 38, grumaduate ng kolehiyo si Yao Ming na may kursong economics sa Shanghai Jiao Tong University noong July 2018. Matapos niya mag-enroll noong 2011 ay nakuha na rin ni Yao Ming ang kanyang diploma base sa report ng Yahoo News.

Nagbigay din ng speech si Yao Ming noong graduation nila at tila nagsilbi nga siyang inspirasyon sa kapwa niya.

“Trust me, when a man spends 7 years in university to graduate at age 38, he knows what he’s talking about! … At a certain stage in the future, you should try to combine your future with the future of the society, because that’s how you can find larger space for yourself to explore,” giit ni Yao Ming.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong 2002 ay nagsimulang maglaro si Yao Ming sa NBA bilang player ng Houston Rockets. Siya raw ang pinaka-unang international player na napili sa draft na hindi nakapaglaro sa US college basketball. Taong 2011 noong nagretiro sa basketball dahil sa kanyang mga injuries. May average score siya na 19 points at 9.2 rebounds.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel