Ang sweet naman talaga! Mika dela Cruz, may sagot sa pa-love story ni Nash Aguas

Ang sweet naman talaga! Mika dela Cruz, may sagot sa pa-love story ni Nash Aguas

- Naging usap-usapan ang ibinahagi ni Nash Aguas na 12 year in the makig na love story nila ni Mika dela Cruz

- Kaya naman may sariling pagbabahagi din si Mika ng kanilang love story

- Nagbahagi din siya ng mga throwback pictures nilang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig sa series of Instagram posts ni Nash Aguas bilang pagbabalik tanaw sa 12 years na pinagdaanan nilang dalawa ng girlfriend niyang si Mika dela Cruz na noon daw ay tinatarayan siya.

Magkasabay halos silang lumaki dahil magkasama sila dati sa Goin' Bulilit. Gayunpaman, inamin ni Nash ay may crush na siya kay Mika simula noong bata pa sila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sagot naman ni Mika, dahil sinimulan ni Nash ang pagkukuwento ng kanilang love story, ibinahagi niya rin ang sariling version nito.

Ibinahagi ni Mika ang ilang pictures simula noong bata pa sila hanggang sa naging teenager na sila.

“Teka lang!!! Sinimulan eh tapusin ko nga… so, nakwento niya na naman yung flow nung storya namin… panimula ni Mika.

“Actually, maraming nakakaalam nung kwento namin simula bata, pero marami ring hindi.

“Sa totoo lang guys kung tinatamad kayong basahin to manood nalang kayo ng movie na Love, Rosie yun ang eksaktong kwento…”

Ang pelikulang Love Rosie ay tungkol sa dalawang magkababata na nagkahiwalay ng landas, at natuklasan nilang mahal pala nila ang isa’t isa sa bandang huli na pinagbibidahan nina Lily Collins at Sam Claflin.

Ibinahagi ng dalaga na binu-bully niya talaga si Nash noon.

“Takang-taka siya sakin kasi nung bata ako di ako nagsasalita, mahilig din ako sa mga kababalaghan.

“Nung pumasok ako sa GB, naging friends kami at lagi ko na siyang binubully…

Nahuli daw sila ng kuya niyang nag I love you sa text kaya ginawan siya ng kontrata na bawal siyang mag bf hanggang tumuntong sa edad na 18.

“Hanggang sa nahuli kami ng kuya ko na nag ILY [I love you] sa text.. (ANG AAGA LUMANDI!!)

“Kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong magboyfriend hanggang mag 18 ako.

Naging boyish din siya simula noon.

“Dun ako nagstart maging sobrang boyish, at sobrang nabro-zone ko si Nashie!

“Tawagan pa nga namin dati ‘TOL.’

Si Nash Aguas ay nakilala nang sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest kung saan nakasabayan niya si Sharlene San Pedro. Naging bahagi na siya ng iba't-ibang palabas at pelikula hanggang sa nagbinata na siya.

Si Mika dela Cruz ay nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz. Naging bahagi din siya ng Goin'Bulilit hanggang sa lumipat na rin siya sa GMA-7 kung saan naroon ang kanyang ate.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel