Truth hurts daw? PNP chief, nagkomento sa diumano ‘bad portrayal’ ng pulisya sa ‘Ang Probinsyano’

Truth hurts daw? PNP chief, nagkomento sa diumano ‘bad portrayal’ ng pulisya sa ‘Ang Probinsyano’

- Nagsalita ang PNP chief sa hindi magandang pagganap ng ‘Ang Probinsyano’ sa pulisya

- Aniya, “very disturbing” daw ito at hindi rin daw ito nangyayari sa totoong buhay

- Nagkomento rin naman ang mga netizens sa issue na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi na ata napigilan magkomento ng pulisya sa ABS-CBN teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa patuloy na pagtugis nito sa pulitika at korupsyon. Ipinapakita rin kasi sa palabas na ang police chief dito ay nagtatangkang paslangin ang Pangulo.

Nalaman ng KAMI na nagsalita na si PNP chief Director General Oscar Albayalde ukol sa istorya ng teleserye ayon sa report ng ABS-CBN News.

"Hindi naman fair sa PNP 'yung mga ganyang portrayal," giit ng PNP chief.

"Parang 'yung the chief PNP himself is a villain -- hindi naman po siguro kailanman nangyari sa amin,” dagdag niya pa.

Aniya, “very disturbing” daw ang ganitong portrayal. Dagdag niya pa na ang bansa ay “nation of laws” at hindi “nation of men”.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagkomento na rin naman ang ABS-CBN sa issue na ito. Giit nila, fictional nga lang daw talaga ang kwento na ito at nakasaad daw ito sa kanilang disclaimer na makikita tuwing bago ipalabas ang teleserye.

"'FPJ's Ang Probinsyano' assures the Philippine National Police that the characters, places, and incidents in the program are purely fictitious as stated in the disclaimer aired at the start of the show every night. There is no intention to smear the reputation of any organization or portray any person in a negative light.

The program has also portrayed its main character, Cardo, as a hardworking police officer dedicated to saving lives and serving his fellowmen. As in the past years, 'FPJAP' has highlighted that good shall always triumph over evil and has shared valuable lessons and family values that have resonated with viewers."

Kahit ang mga netizens ay nagkomento rin sa issue na ito. Narito ang kanilang komento sa Facebook page ng ABS-CBN News:

“Guilty? Truth hurts.”
“Truth hurts”
“Tinamaan ka kaya ka nag react... Basahin mo muna yung disclaimer kasi.... GUILTY”
“That's the bitter truth, General! With or without Ang Probinsyano on TV, people know how deeply corrupt your department is.”
“Magbasa ka ng disclaimer! Pinapakita yan bago magsimula yun show! Napaghahalataan ka e! Ano truth hurts ba?”
“This show in my opinion is what the country is all about, sad to say...the only difference is there’s no Cardo/ Vendeta to combat graft, corruption and crime...”
“REALITY BITES BA GENERAL??”
“This is just fictional. Take note "fictional". May natamaan siguro kaya may nagalit.”
“The TRUTH really HURTS !!! MasakiT po ba ??? Mukhang nasasaktan kayo???”
“masakit ba? di ba laging gusto nyo na sa camera din feeling mga artista.ayusin nyo ang pamamalakad nyo sa bansa at ng matuwa at mag tiwala sa inyo ang taong bayan dahil ang nangyayari pnp lang kayo sa lumalabag na mahihirap pero security kayo ng mayayaman at pulitiko.”

Isa nga ang FPJ’s Ang Probinsyano sa longest-running teleseryes ng ABS-CBN. Halos tatlong taon na itong ineere sa telebisyon. Pinagbibidahan ito ni Kapamilya actor Coco Martin na gumaganap bilang si Cardo Dalisay.

POPULAR: Read more news about Coco Martin here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel