Manny, Sen. Cynthia Villar, may ari ng mall kung saan pinalabas ng gwardiya ang mahirap na mag-iina

Manny, Sen. Cynthia Villar, may ari ng mall kung saan pinalabas ng gwardiya ang mahirap na mag-iina

- Nag-viral kamakailan lang ang gwardiyang inakusahan ng netizen na pinalabas ang mahirap na mag-iina

- Ang nasabing mall kung saan ito naganap ay pag-aari pala nina Manny Villar at Sen. Cynthia Villar

- Wala pang naibigay na statement ang management ng Vista Malls tungkol sa naturang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakakadurog-puso na pangyayari sa Vista Mall Taguig ang ibinahagi ng isang netizen kamakailan lang, at ito'y nag-viral sa social media.

Sa isang ulat ng KAMI, si Rachealann Profitales ang nag-share kung paano daw pinalabas ng gwardiya ng Vista Mall ang gusgusing mag-iina.

Maraming netizens ang nag-react dahil sa diumano'y diskriminasyon ng mall sa mga mahihirap.

Yung iba nagkomento na huwag daw sisihin ang guard dahil sinusunod lang daw niya ang patakaran ng admin.

Villar Company

Ang Vista Malls ay pag-aari ng pamilya Villar - Manny Villar at Sen. Cynthia Villar.

Sa isang February 2018 report ng Inquirer, tinatarget ng Vista Land & Lifescapes, Inc. namagkaroon ng malls sa 60 lokasyon sa pagtatapos ng 2020.

"We remain bullish with the expansion plans of our leasing business through our subsidiary, Starmalls Inc., to add 38 more malls in the next three years," sabi ni Manny Villar, ang chair ng Vista Land.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kampanya para sa mahihirap

Matatandaang nang tumatakbo pa noon si former Sen. Manny Villar, sa isang panayam niya sa Forbes, sinabi niyang ang kanyang slogan ay tapusin ang kahirapan.

Sa isang report sa Forbes.com, eto ang sinabi ni Mr. Villar, "My slogan is: 'End poverty.'"

Ang Vista Land ay pagmamay-ari ng mga Villar kung saan si former Sen. Manny Villar ay ang Chairman of the Board.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel