Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

- Naglabas ng saloobin si Kris Aquino sa diumano'y delaying tactics at pambabalahura ng taong nanloko sa kanya

- Inakusahan diumano siya ng taong iyon na ginagamit niya ang kanyang "charm" upang pormal na makasuhan ito

- Ibinahagi din ni Kris ang mga credit card transactions ng taong diumano ay nanloko sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng kanyang saloobin si Kris Aquino tungkol sa umano'y delaying tactics at pambabalahura ng taong dati pa niyang binabanggit sa kanyang posts na nanloko sa kanya. Sinampahan niya ito ng reklamong qualified theft (QT) sa anim na lungsod ng Metro Manila.

Inaakusahan siyang ginagamit niya daw ang kanyang charm upang pormal na makasuhan ito.

Sa text ng kanyang abugadong si Attorney Sigfrid Fortun, napag-alaman ni Kris ang impormasyong ito.

“Hi Kris. What do you do if you have no defense to a complaint for QT? Delay! That is the current strategy of N****’s lawyers.

“They are asking for the inhibition of the entire San Juan Prosecutors office. And they may do the same thing for the others, probably even the QC court in the civil case.

“Reason: you are charming your way to get the prosecutors to rule in your favour and secure an indictment of ***.

“Mandaluyong prosecutor asks for your attendance on Thursday, November 15 at 2pm. I will attend that hearing with you.”

Kung sa mga naunang mga posts ni Kris ay wala siyang binanggit na pangalan, sa pagkakataong ito ay tila may clue na nagsisimula sa "N" ang taong naging dahilan ng kanyang mga problema at stress na nakaapekto na rin sa kanyang kalusugan.

Sa kanayang mensahe sa Pep, sinabi ni Kris na ayaw niyang maging paglilitis base sa trial public opinion, perception, or popularity ang kasong ito.

Kapag ganito kabalahura ang ipapakita, katangahan nang maging disente. Nakakabaliw na pina-inhibit ang buong San Juan prosecutors’ office.”

Ibinunyag din ng Queen of all media ang posibleng dahilan nito.

"Because my sons were raised with good manners and they showed respect.

"Hindi ata kinaya nung abugado nung kabila na kahit na pera ng mga anak ko ang pinaglalabanan, automatic kay Kuya Josh na makipag-shake hands bilang pagbigay galang, and normal kay Bimb ang yumakap—kahit sa abugado ng kalaban."

Dagdag pa ni Kris simula noong September 26 ay nagtago na ang taong kanyang inerereklamo at hindi pa nakipagharap sa kanya simula noon.

“Isn’t it an accepted belief that FLIGHT is already an admission of guilt? Or at least an indication of profound fear? saad pa ni Kris.

Itinanggi din niyang ginamit niya ang kanyang charm.

"Utang na loob, anong klaseng defense ‘yan?

"Bakit nung MILYONES ang commissions na kinikita galing sa akin, kulang na lang lumalakad ako sa tubig sa pambobola at pagpuri sa akin dahil sa binansagan niyang ‘Kris Aquino Magic’?

“Let us set the record straight—by default DILAWAN pa rin po ako dahil Aquino ako.

"Pero dahil wala akong ambisyon na pasukin ang pulitika, madali para sa akin ang maging kaibigan ang buong RAINBOW ng Philippine politics because hindi ako kaagaw sa teritoryo.

“I didn’t just share my millions, I shared the credit for my career’s resurrection... and I shared my 100% trust.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang post niya ay ibinahagi naman niya ang credit card transactions ng taong nanloko sa kanya. Marami ang nalula sa tindi ng paggastos nito na para bang sa kanya ang pera.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel