Dati raw "ugly duckling", napalago ang negosyong puro pampaganda

Dati raw "ugly duckling", napalago ang negosyong puro pampaganda

-Dating "ugly duckling" si Aura na ngayo'y may-ari na nag spa business at salon

-Ayon sa kanya, naging dahilan din ang kanyang dating mukha para mas magpursige siya sa buhay at magtagumpay

-Kaya ninanis niyang magtayo ng negosyo na makakatulong sa kababaihang tulad niya na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May-ari ng isang spa business at salon. Puro serbisyong pampaganda ang negosyo ni Aura Ruz-Abad.

Ngunit ayon sa kanya, dati raw siyang "ugly duckling" o madalas sabihing pangit.

"Pinanganak akong maitim. Actually, ako 'yung pinaka-ugly duckling samin magkakapatid. Literal na ako 'yung pinaka-pangit." ayon dito.

Lumaking mababa ang self-esteem si Aura dahil na rin daw sa kanyang pisikal na itsura. Kaya naman naisip daw niyang magtayo ng negosyo na makakatulong sa mga tulad niya.

Kwento naman ng asawa nito na si Atty. Cernick Abad, dahil daw sa pagbubuntis tumaba ng husto si Aura at nagkaroon ng mga tigyawat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noon pa lang daw nangarap na ang misis niya na maging kamukha ang kung sino-sino.

Habang nagre-review daw ang asawang si Cernick para sa bar exams, nagbebenta daw ng mga sabong pamapaputi si Aura.

Ngunit kinailangan niyang magpaganda para mas makumbinsi ang kanyang mga kliyente.

Dahil dito, regular na nagpapaturok si Aura ng glutathione IV treatments. Nagpagawa rin daw siya ng ilong at dibdib.

"Sobrang daming way para maging maganda tayo. Hindi na kasi uso ngayon na housewife ka lang, kailangan gumagalaw ka rin. At kung kaya ko, kaya niyo rin." ani Aura.

Positibo naman ang naging sanhi nito dahil mas nagtiwala na sa kanya ang kanyang mga kliyente.

Nang makaipon, naitayo nito ang beauty center sa Sampaloc.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel