Nakilala na ang lalaking nasa likod ng SUV na may plakang ‘8’ at diumano nanggitgit

Nakilala na ang lalaking nasa likod ng SUV na may plakang ‘8’ at diumano nanggitgit

- Kita sa isang video ang driver ng SUV na may plakang 8

- Bumaba ang driver at sinapak nito ang isa pang motorista

- Nakilala naman na ang suspek at hindi rin siya isang kongresista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang video ng lalaking driver na sakay-sakay ng isang Toyota FJ Cruiser na may plakang ‘8’. May kasama pang isang lalaki at isang babae ito nang huminto sa harap ng isang pulang sasakyan matapos diumano maggitgitan sa daan.

Bumaba ang mga nasa SUV at sinugod naman ng driver ang nagmamaneho ng pulang kotse. Makikita nga sa video na tila sinaktan niya iyo.

Nalaman ng KAMI na ang driver ng FJ Cruiser ay isang negosyante at singer na nagngangalang Jojo Valerio. Nahuli diumano ang suspek sa isang bar sa Tarlac City.

Sa ulat nga ng Rappler, tila isang kongresista ang diumano naging suspek din na nagmamay-ari ng sasakyan na si Pampanga 1st District Representative Carmelo Lazatin II. Subalit, itinanggi niya namang siya iyon at hindi niya rin daw pagmamay-ari ang sasakyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa EO 400 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, tanging mga miyembro lang ng House of Representatives ang may karapatang gumamit ng mga may plakang No. 8.

Naiulat naman ng ABS-CBN News na ipinapabalik na sa opisina ng Secretary-General ang mga lumang plaka na no. 8 matapos nga ang insidenteng ito. Hindi pa raw nag-iissue ang 17th Congress ng bagong plaka para sa mga kongresista.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel