High school student, kinitil sariling buhay, nagbigti dahil bumagsak daw ang grades

High school student, kinitil sariling buhay, nagbigti dahil bumagsak daw ang grades

- Isang high school student ang kumitil sa sariling buhay dahil bumagsak ang grades niya sa eskwelahan

- Natagpuan siya ng ama na nakabigti gamit ang sinturon

- Kinausap pa siya ng ama bago ito umalis upang bumili sa tindahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang high school student ang kumitil sa sariling buhay dahil bumagsak daw ang grado nito.

Nalaman ng KAMI na naganap ang trahedya sa Barangay Banquerohan, Cadiz City, Negros Occidental.

Ayon sa ama ng biktima na si alyas "John," nag-usap pa sila bago niya natagpuan ang nakabitin na katawan ng anak.

Mag-uusap pa raw dapat sila tungkol sa isang problema sa eskwelahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umalis ang ama niya upang bumili sa tindahan at nang ito'y bumalik, nag-worry na siya na ang pintuan ng bahay nila ay nakasara.

Ayon sa ulat ng Panay News, dinala pa ang estudyante sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.

Sa isang ulat sa Bombo Radyo, honor student daw ang estudyante kung kaya't na-depress daw dahil sa mababang grado.

Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit nagbigti si John.

Nawa'y magsilbing babala ito sa mga magulang na mas maging mapagmatyag sa mga pinagdadaanan ng mga anak, lalung-lalo na mga teenagers.

Sa isang report ng KAMI, naiulat na may isang guro din na nagbigti sa loob mismo ng classroom niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel