Mga kinder, binati sa kakaibang paraan ang walang pandinig na school custodian nila

Mga kinder, binati sa kakaibang paraan ang walang pandinig na school custodian nila

- Nakakatunaw ng puso ang ginawa ng isang kinder class sa pagbati sa janitor ng kanilang paaralan

- Wala raw pandinig ang kanilang janitor na tinatawag nilang si Mr. James kaya naman nag-sign language ang mga bata sa

- Labis na ikinagulat ito at ikinatuwa ni Mr. James na nagdiriwang noon ng ika-60 niyang kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Na-surpresa ang school custodian ng Hickerson elementary school sa Amerika nag kantahan siya ng mga kindergarten pupils doon.

Ayon sa ulat ng Yahoo. di lamang ito bastang pagbati dahil sa nag-sign language pa umano ang mga bata upang maunawaan ng school custodian na si Mr. James ang kanilang ginagawa.

Wala raw pandinig si Mr. James na nagdiriwang ng kanyang ika-60 na kaarawan ng araw na iyon.

Bagaman at may musiko pa rin at salita ang kanta, sinabayan nila ito ng pag-sign language na labis na ikinatuwa ng may kaarawan.

Kasama rin ng mga bata ang kanilang guro at ang school nurse sa kakaibang pagbating ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ding 15 taon nang nasa Hickerson School si Mr. James na nagtuturo din sa mga bata ng pag-sign language sa libre niyang oras.

At kitang kita naman na may natutunan nga ang mga bata dahil sa nagawa nilang sabayan ang kanta habang nagsa-sign.

Umabot na sa 152,000 views ang naturang video at maging ang mga netizens ay naiwasang maging emosyonal sa surpresang ito para kay Mr. James.

"i felt a big lump in my throat and got teary eyes but loved it," komento ng isang netizen.

Naniniwala ang KAMI na maraming paraan ang maaring gawin upang ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa kapwa lalo na kung ito ay may kakulangan. Basta ito ay tagos sa puso, madarama pa rin nila ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
History post: President Cory Aquino became 1st Filipino to become TIME'S Person of the Year

History post: President Cory Aquino became 1st Filipino to become TIME'S Person of the Year

History post: President Cory Aquino became 1st Filipino to become TIME'S Person of the Year
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel