Ingat sa taong pagkakatiwalaan! 11-month-old baby patay pagkatapos pagsamantalahan

Ingat sa taong pagkakatiwalaan! 11-month-old baby patay pagkatapos pagsamantalahan

- Isang 11-month-old baby ang namatay pagkatapos gahasain ng diumano'y asawa ng babysitter niya

- Kinumpirma ng medico legal na punit ang hymen ng sanggol, pati ang puwet ng sanggol ay may butas din

- Naghahanap ngayon ng hustisya ang ina ng batang nagkamali sa pagpili ng babysitter, nasa kustodiya na ng pulis ang babysitter at asawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang nakakalungkot na pangyayari ang pinag-uusapan ngayon ng mga netizens.

Ito ang sinapit ni Baby Zara, na pinagsamantalahan ng diumano'y asawa ng babysitter ng bata.

Nalaman ng KAMI na si Baby Zara ay 11-months-old pa lamang at namatay nitong November 10, 2018 lamang.

Ingat sa taong pagkakatiwalaan! 11-month-old baby patay pagkatapos pagsamantalahan

Ingat sa taong pagkakatiwalaan! 11-month-old baby patay pagkatapos pagsamantalahan (Photo: Nora Aziz Facebook)

Ayon sa report ng The Asian Parent, ang mga magulang ni Baby Zara ay nakatira sa iisang lugar kung saan din nakatira ang babysitter na kinuha nila.

Noong November 7, malusog pa raw ang bata nang iniwan ng mga magulang sa babysitter tulad na ng nakagawian nila.

Nang hapon ding iyon, sinugod na ang sanggol sa ospital dahil di na ito makahinga ng mabuti.

Napagtanto na pinagsamantalahan si Baby Zara dahil sa punit na hymen at butas sa puwet, ayon na rin sa report ng pulisya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero sa post-morten report ng Serdang HOspital Pathology Department sa Malaysia, ang lakas ng pagkabagok daw ng ulo ni Baby Zara ang naging sanhi ng pagkamatay niya.

Nalaman din ng mga pulis na positibo sa paggamit ng shabu ang asawa ng babysitter.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulis ang babysitter at ang asawa nito.

Ayon sa ina ni Baby Zara na si Noraihan Ab Aziz, 22, ang kinuha niyang babysitter ay di niya personal na kilala.

Nakita lang raw niya ang post ng nasabing babysitter sa Facebook kung saan ino-offer niya ang babysitting services niya.

Nawa'y maging babala ang nangyari kay Baby Zara sa lahat ng mga magulang diyan na gustong paalagaan sa babysitter ang mga anak, na piliing mabuti ang taong pagkakatiwalaan ng iyong mga mahal sa buhay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kathryn Bernardo, kumakain pa rin ng taho sa kalye kahit sobrang yaman na!

Kathryn Bernardo, kumakain pa rin ng taho sa kalye kahit sobrang yaman na!

Kathryn Bernardo, kumakain pa rin ng taho sa kalye kahit sobrang yaman na!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel