Babaeng nanunusok basta ng karayom sa mga nakakasalubong, timbog na

Babaeng nanunusok basta ng karayom sa mga nakakasalubong, timbog na

- Kinatakutan ang isang babae sa Davao del Sur dahil umano sa panunusok nito ng karayom sa kung sino lang ang makakasalubong nito

- Nangamba ang mga nabiktima dahil sa baka kontaminado ang HIV

- Nahuli na ang babaeng gumagawa nito na sinasabing may sakit daw sa pag-iisip

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabalot ng takot ang Digos City, Davao del Sur sa kumakalat na viral post patungkol sa babaeng nanunusok na lamang ng karayom sa kanilang lugar.

Ayon sa ulat ng GMA news, nag-alala ang mga taga Digos City sa pangambang kontaminado ang karayom na tinutusok sa mga nakakasalubong lamang niya.

May ilang nabiktima na nagpakitang dumugo talaga ang ginawang panunusok ng babae.

Kwento ng dalawang babaeng naglakas loob na nagreklamo, nilapitan lang sila ng babae at bigla na lamang nanusok. Taliwas daw sa bali-balita, walang syringe o heringgilya na ginamit ang babae at karayom lang daw talaga ang gamit nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagaman wala naman daw na kakaibang nararamdaman ang mga biktima kaugnay ng panuusok, binigyan na sila ng tetanus toxoid panigurado.

Sa patuloy na imbestigasyon, nadakip na ang babaeng tinuturong gumagawa nito na tubong Bansalan, Davao del Sur. Ayon pa sa pulisya, may record na pala ng panunusok ang babaeng ito sa kanilang lugar.

Samantala, nanawagan din si Mayor Joseph Peñas na huwag magpakalat ng maling balita o impormasyon sa social media gaya na lamang ng ng isidenteng ito na nagdulot ng matinding takot sa kanilang lugar.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel