Ate guard, inakusahan ng pagpapalabas ng gusgusing mag-iina sa Vista Mall

Ate guard, inakusahan ng pagpapalabas ng gusgusing mag-iina sa Vista Mall

- Isang Facebook user ang nagbahagi ng isang nakakadurog puso na pangyayaring nasaksihan niya sa mall

- May mag-iina, may kargang baby at may kasama pang maliit na bata, na pumasok upang makapaglaro sana sa TimeZone

- Nang makita ni Ateng Guard, hinarangan niya, at pinalabas sa mall

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakakadurog pusong pangyayari ang ibinahagi ng Facebook user na si Rachelann Profitales.

Nalaman ng KAMI na may mag-iina na pumasok sa Vista Mall, Taguig.

May kargang baby ang ina at may akay-akay na maliit na bata.

Ayon sa salaysay ni Rachelann, tinanong ng ateng guard ang mag-iina kung saan sila pupunta.

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig (Photo: Rachelann Profitales Facebook)
Source: Facebook

Agad namang tinuro ng nanay ang TIMEZONE, kung saan nais maglaro ng kanyang anak.

Pinilit talaga sila ni ateng guard na palabasin sila sa mall at sinigurado pang makalabas sila sa exit.

Sabi nlang ng ina sa anak, "Nak bawal tayo dito eh."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig (Photo: Rachelann Profitales Facebook)
Source: Facebook

Maraming netizens ang nagalit dahil para lang daw ba sa mayayaman ang mall?

Eto ang mga komento nila.

"Grbe nmn yan nakakadurog damdamin porket ba gnyn mga suot nila bawal na mag mall, nakakaawa naman yung mga bata..."
"Patanggal na yan... Pare parehas lang kumakain ng baboy kaya lahat may karapatan."
"Diskriminasyon sa Pinas di mawawala."
"Ang daming ganyan reviews sa Vista Mall Taguig, hindi nakakatuwa, dapat dyan hindi tinatangkilik talaga. Nakakasuwa."

Eto ang laman ng post ni Rachelann Profitales:

"Bakit may mga taong ganto"
Nakasalubong namin tong mga to, Tapos nakita nung ateng guard yung magiina tinanong nya kung san pupunta, then sabi ni ateng may kargang baby dito lang po maglalaro then turo sa TIMEZONE. Pinilit ni ate guard palabasin sila, Sinigurado pa ni ate guard na hanggang labas mapalabas sila, Naawa kami sa babae kasi ang sinabi nya nalang sa anak nya "Nak bawal tayo dito eh" Kaiyakkk
#VistamallTaguig
- Rachelann Profitales
https://bit.ly/2DBvjNQ"

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel