8-anyos, patay sa torture ng sariling ina na naghinalang siya'y beki

8-anyos, patay sa torture ng sariling ina na naghinalang siya'y beki

-Hindi makatao ang inabot ng 8 taong gulang na batang lalaki sa kamay ng kanyang ina at nobyo nito

-Namatay ang bata sa kamay ng sariling ina na nag-aakalang siya daw ay beki

-Hindi aakalain ng sinuman na kayang gawin ng isang ina ang nagawa nito sa musmos na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Beyond animalistic", ganito inihalintulad ng judge ang nagawa ng isang ina at nobyo nito sa batang 8 taong gulang pa lamang.

Hindi makatao ang inabot ng batang si Gabriel Fernandez sa kamay ng kanya mismong ina at sa nobyo nito, na ikinasawi ng kawawang paslit.

Ayon sa report, makailang beses binugbog ang bata, ginutom, itinali, ni-lock sa loob ng cabinet, may tama ng BB gun at nawalan ng ngipin dahil sa pagpalo ng bat.

May basag rin ang bungo nito, bali ang ribs at may mga paso sa katawan.

Hindi ninuman aakalain na ang lahat ng ito ay magagawa ng isang ina dahil lamang sa hinalang ang bata ay isang bading.

Ayon sa police report, ang suspek na si Pearl Fernandez mismo ang tumawag sa 911 para i-report na hindi na humihinga ang kanyang anak. Sinabi pa nitong nahulog daw ang bata at tumama ang ulo nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dalawang araw pagkatapos nito, pumanaw din si Gabriel dahil sa blunt trauma at pagpapabaya dito.

8-anyos, patay sa torture ng sariling ina na naghinalang siya'y beki

Photo source: SCMP
Source: Facebook

Hinatulan ang ina nitong si Pearl ng habangbuhay na pagkabilanggo habang ang nobyo naman nito na siya ay hinatulan ng death penalty.

“It goes without saying that the conduct was horrendous and inhumane and nothing short of evil,” ayon kay Judge George Lomeli. “It’s beyond animalistic because animals know how to take care of their young.”

“I can only wish … that it tortures you,” sinabi pa nitong sana raw ay magising ang mga suspek sa gabi at maalala ang mga karumal-dumal na nagawa sa kawawang bata.

Ayon pa sa mga kapatid ng bata, na tinatawag daw ng mga suspek si Gabriel na bading, pinaparusahan kapag naglalaro ng mga manika at pinagsusuot ng damit pambabae papasok sa eskwelahan.

Paano nga ba matutulungan ang isang bata kung ito ay nalilito sa kasarian nito?

Huwag itong husgahan base sa mga laruan na nilalaro nito. Hindi ibig sabihin na kapag naglalaro ng manika ang isang batang lalaki ay bading na ito.

Huwag iparamdam na siya ay naiiba, kahit na ito pa ay nalilito dapat na suportahan natin ang ating mga anak.

Huwag mong tatanungin ang iyong anak kung ito ba ay bading o tomboy. Unawain natin ang bata dahil tiyak na mas nahihirapan sila sa ganitong sitwasyon.

Huwag tayong malungkot o magalit dahil lamang ganito ang ating anak, kahit pa para sa iba ito ay mahirap matanggap dapat nating isipin ang kalagayan ng mga bata. Maging kalmado at pilit unawain ang sitwasyon.

Lubos kaming nalulungkot para sa batang si Gabriel na sa batang edad ay nakaranas na ng kalupitan lalo at sa kamay pa ng kanyang magulang.

8-anyos, patay sa torture ng sariling ina na naghinalang siya'y beki

Photo source: SCMP
Source: Facebook

8-anyos, patay sa torture ng sariling ina na naghinalang siya'y beki

Photo source: SCMP
Source: Facebook

Source: South China Morning Post, The Asianparent

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel