Ang cute! Nash Aguas, buong pagmamalaking ikinuwento ang love story nila ni Mika dela Cruz

Ang cute! Nash Aguas, buong pagmamalaking ikinuwento ang love story nila ni Mika dela Cruz

- Buong pagmamalaking ibinahagi ni Nash Aguas ang love story nila ni Mika dela Cruz

- Halos labing-isang taon din ang hinintay ni Nash upang tuluyang maging kasintahan si Mika na dati pa niya diumanong crush

- Tila hindi pa rin makapaniwala ang binata habang nagbalik-tanaw sa kanilang mga pinagdaanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas ay masayang naibahagi ng aktor na si Nash Aguas ang love story ng Kapuso actress na si Mika dela Cruz. Ayon sa kanyang pagsasalaysay, mahigit kumulang labing isang taon din in the making ang inabot ng kanilang love story.

Sa kanyang ibinahaging mga litrato sa Instagram ay tila hindi pa rin makapaniwala at in love na in love ang binata.

Ayon sa pagsasalaysay ni Nash, 2007 pa lamang ay crush na niya si Mika na kasabayan niya sa gagshow na Goin' Bulilit. Kahit siyam na taong gulang pa lamang siya noon ay inamin niyang crush niya na si Mika na noon ay walong taong gulang naman.

Noon pa man daw ay sinusubukan niya nang makuha ang atensiyon ni Mika.

"Paborito ko tong picture na to eh. Sa Wowowee to (around 2007), sumayaw tayo nyan ng opening prod.

"Tapos nung nag commercial gap na, may tinuturo ako sa taas tapos sinasabi ko 'dyan dati nagtrabaho si mommy.'

"Hindi talaga dun nagtrabaho si mommy.

"Sinabi ko lang yun para may mapagusapan tayo tsaka para ma akbayan kita [laughing emoji].

"Eh wala eh. 'Crush' kita nun eh," pagbabalik tanaw niya. Kasabay niyon ay ang picture nilang dalawa na tila may tinitingnan habang nakaakbay si Nash kay Mika.

"Tapos kinapalan ko na yung mukha ko sa mga sumusunod."

Ibinahagi din ni Nash ang mga bagay na kanyang ginawa para sa aktres noong mga bata pa lamang sila. Binubuhat daw niya ang bag ni Mika at talagang siya ang nagbibigay ng paunang lunas kahit pa maliit na sugat lamang ito.

Gayunpaman, palagi pa rin daw siyang tinatarayan ni Mika noon.

"Inaagaw ko noon sa GB Cruise yung backpack mo tapos ako magdadala kasi parang may hollow blocks sa bigat kung magimpake si tita. Pero tinatarayan mo ako."

"Nagpapicture ako sayo noon sa Forbidden City sa GB China tapos takang taka ka. Kasi gusto ko gayahin natin yung pose ni Jayden smith at nung partner nya sa Karate Kid.

"Tinatarayan mo pa din ako."

Binalikan din ni Nash ang mga panahong naging malapit na sila ni Mika bilang magkaibigan at ang kanilang mga ina na parehas na todo-suporta sa kanilang mga career sa showbiz.

"Hanggang naging magkaibigan na tayo (SA WAKAS pero mataray ka padin sakin) lagi tayo naglalaro ng Crossfire kasama si kuya Philip.

"Pupunta tayo kasama sila mommy sa trinoma maglalaro sa timezone.

"Tapos nung karon ng soap na parehas tayong young doon.

Hanggang sa grumadiuate na sila sa Goin' Bulilit at nawalan ng komunikasyon dahil pumunta ng Amerika si Nash noong 2012.

Naging awkward na rin pagbalik niya lalo at hindi na sila mga bata at lumipat na rin ng TV station si Mika.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi na idinitalye ni Nash kung ano ang kanyang pinagdaanang pagsubok kung saan sawi daw siya.

Noong August taong 2017 umano pinagtagpo silang muli ng tadhana nang makasalubong ni Nash at ng kanyang mommy sina Mika na kasama din ang kanyang ina.

At ito na nga ang naging daan upang muli silang magka komunikasyon at niligawan na siya ni Nash.

Matapos ang isang taong masigasig na panliligaw ay sinagot daw ni Mika si Nash noong October 20, 2018 sa pamamagitan ng 15-page love letter mula kay Mika na nagpahagulgol kay Nash.

"Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin," dagdag pa ni Nash.

Si Nash Aguas ay nakilala nang sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest kung saan nakasabayan niya si Sharlene San Pedro. Naging bahagi na siya ng iba't-ibang palabas at pelikula hanggang sa nagbinata na siya.

Si Mika dela Cruz ay nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz. Naging bahagi din siya ng Goin'Bulilit hanggang sa lumipat na rin siya sa GMA-7 kung saan naroon ang kanyang ate.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel