Online love story! Nag-match sa dating app, humantong sa kasalan

Online love story! Nag-match sa dating app, humantong sa kasalan

-Nagkakilala at nag-match sa isang dating app ang mag-asawang Mervyn at Charlotte

-Si Mervyn, galing sa break up at tila nawalan ng gana sa pakikipagrelasyon

-Si Charlotte, kahit NBSB, makailang beses sumubok makipag-date dahil naniniwala siya na makakahanap siya ng para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga naitampok sa ASAP TLC ang istorya ng pagmamahalan ng mag-asawang Mervyn at Charlotte.

Ang kanilang pag-iibigan, nagsimula lang daw sa isang dating app. Na karaniwan, tila hindi sineseryoso ng marami.

Galing lang daw sa break-up si Mervyn noon, isang doktor, mula sa 5 taong relasyon. Tila nawalan daw siya ng gana na makipag-relasyon ulit.

"Ang iniisip ko talaga parang 'di ko na siguro pag-aaksayahan ng panahon 'yong maghanap o magmahal," anito.

Isang estudyante ang naging daan para malaman ni Mervyn ang isang dating app.

Samantalang si Charlotte naman, kahit 'No boyfriend since birth', ilang beses na ring sumubok na makipag-date.

"May sarili kasi akong dental clinic. Sobrang routine lang talaga ng buhay ko, medyo boring," ani Charlotte.

Ngunit wala naman daw pinatunguhan ang kanyang mga nakilala. Pero hindi naman ito sumuko na makipagkilala sa iba.

"Kung nando'n ka lang naman sa isang tabi, paano darating iyong love sa'yo? Huwag lang sumuko na maghanap ng love," dagdag ni Charlotte.

Hanggang sa mag-match na ang dalawa sa dating app.

"'Yong conversation, nag-push through siya kasi we have mutual friends, pareho kaming nag-internship sa PGH." kwento ni Mervyn.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos ng 2 araw ng pag-uusap, nagdesisyon silang magkita na ng personal na.

"Sobrang speechless ako no'ng nakita ko siya," ani Mervyn.

"Umpisa pa lang parang ang bait-bait na niya tapos sobrang funny niya,"ayon naman kay Charlotte.

Sinagot ni Charlotte si Mervyn pagkatapos ng 2 buwang panliligaw at 2 taon mula nang sila ay maging magkasintahan, inalok na ng binata ng kasal ang nobya.

"I think God has a way of granting us our true love. It doesn't really follow na if you meet online hindi na siya magiging seryoso. It's up to you to show her or him kung gaano siya ka-special," sabi pa ni Mervyn.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel