Netizen, nanawagan para sa palaboy na na-stroke na pinagmamalupitan raw ng mga badjao

Netizen, nanawagan para sa palaboy na na-stroke na pinagmamalupitan raw ng mga badjao

- Binahagi ng isang netizen ang nakakdurog na pusong sitwasyon ng isang matandang namamalimos

- Hirap daw itong kumain at nakabaluktot na ang kamay nito dala ng stroke nakakaranas pa raw ito ng pagmamalupit ng mga badjao sa kalsada

- Di alam ng kanyang mga kamag-anak ang sitwasyon nito sa Maynila kaya nanawagan ang netizen para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!c

Awang-awa ang isang netizen sa nakita niyang namamalimos sa may Shaw Blvd. Napansin niya ang matanda dahil bukod sa kanyang sitwasyon, hirap pa raw ito at nakabaluktot na ang mga kamay.

Nalaman ng netizen na si Mitch Patosa na na-stroke pala ang 68 taong gulang na nagpakilalang si Benjamin Flores.

May nag-iwan kasi ng pagkain sa harap ni Benjamin ngunit di niya ito agad makain sa hirap ng kanyang kalagayan. Nanginginig na ito at hirap pang damputin ang pagkain.

Hindi na rin daw makanguya ng maayos ang matanda dahil sa wala na raw itong mga ngipin. Kahit hirap sa pagsasalita, naikwento ng matanda na dati niyang kasama ang kapatid sa Las Piñas ngunit pumanaw na raw ito.

Mayroon pa raw siyang isang kapatid na si Luz Flores na nasa Catanauan Quezon ngayon. Di raw alam ng kanyang kapatid ang sinapit niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, nagpaalam ang si Mitch na kukunan niya ng larawan ang matanda sa pagbabakasakaling makarating ito sa kapatid ni mang Benjamin na si Luz.

Ang ikinababahala pa raw ng netizen ay nang malaman na sinasaktan pa pala ng badjao si mang Benjamin lalo na kung mayroon itong nakuhang pagkain. May lagnat din ang palaboy sa oras na iyon dahil sa natuyuan na siya at nabasa siya ng ulan.

Kaya naman nanawagan si Mitch para mahanap ang kapatid ni mang Benjamin at nang tuluyan na lamang itong makauwi sa Catanauan, Quezon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel