Netizen, nabahala sa batang mag-isang pinapasok ng ate bandang 3:30 pa lang ng madaling araw

Netizen, nabahala sa batang mag-isang pinapasok ng ate bandang 3:30 pa lang ng madaling araw

- Nag-alala ang isang concerned netizen sa isang batang babae na pinapasok daw ng maaga ng kanyang ate

- Wala pa ra ang nanay nito na pauwi pa lang sa umaga kaya ang ate nito ang nagpapasok sa kanya dahil may sa kasama raw itong lalaki

- Nadurog ang puso ng mga netizens at sana raw malaman ng ina ng bata ang nangyari o nangyayari dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Gia Gajelloma ang larawan ng batang nakita nilang papasok na ng paaralan kahit bandang 3:30 pa lang ng madaling araw.

Ayon sa post ni Gia, pauwi pa lamang daw sila nang makitang naglalakad mag-isa ang batang babaeng nakilalang si Nikki Baylon.

Nabahala raw si Gia dahil sa sobrang aga pa para pumasok ang Gr. 2 pupil sa paaralan, at mag-isa pa itong naglalakad. Naawa sila sa bata dahil imbis na nakatulog pa ito ng kahit isang oras pa, ay labis na napaaga ang pagpasok nito sa eskwela.

Nalaman ng netizen na wala pa pala ang ina ng bata na umaga na umuuwi at tagaluto raw kasi ito. Tanging ate lamang niya ang kanyang kasama na siyang nagpapasok sa kanya ng maaga.

Naikwento rin ng bata na may kasama raw lalaki ang ate bagay na lalong ikinainis ng nakakitang netizen dahil sa marahil ito ang dahilan ng ate kumbakit maagang pinapasok ang kaawa-awang kapatid.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Minabuti na dalhin muna nina Gia ang bata sa barangay hall ng Holy Spirit kung saan pinakain muna ang bata hbanag naghihintay ng oras. Sila na rin ang naghatid dito sa paaralan.

Samantala, di maiwasang maglabas ng saloobin ng mga netizen dahil sa nakakdurog na pusong karanasan ng bata. Paano na lamang daw kasi kung may mangyarng di maganda rito. Isa pa, baka raw di iyon ang unang pagkakataon na ginawa ito ng ate sa bata.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Papabengga pa si ate sa jowa nya putragis ganun kaaga pinaalis nya kapatid nya 8 yrs old lang babae ganun oras buhay mga siraulo sa lansangan juscolored salute sa tumulong at nagmalasakit sa bata"
"paano nalang kung may nangyari sakanya sa daan?"
"inuna pa ang lalaki kisa sa sariling kapatid..!"
"Kwawa nman juskoo .. 3am Wala pang masyadong tao nun sa daan.. kupal tlga Ang ate nya .."
"Anlayo nun from st Vincent to doňa Juana grabe naman kawawa nmn bata naglalakad magisa. buti nlng khit paano medyo safe jan sa lugar"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Relative of Las Piñas Mayor caught bullying scared couple with 2-year-old child

Relative of Las Piñas Mayor caught bullying scared couple with 2-year-old child

Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel