Milyonarya, handang magbayad ng ₱4.1 million sa lalaking magiging loyal sa kanya

Milyonarya, handang magbayad ng ₱4.1 million sa lalaking magiging loyal sa kanya

- Handang magbigay ng allowance na £60,000 o P4.1 million si Jane Park, ang pinakabatang lotto winner sa United Kingdom

- Nalulungkot daw ang 23 taong gulang ng milyonarya kaya nag-anunsyo siya na handa siyang "gumastos" para sa lalaking magiging loyal sa kanya

- Di naging matagumpay ang mga naunang naka-relasyon ng milyonarya dahil umano sa di ito mga naging loyal sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Loyal boyfriend" ang hanap ng pinakabatang lottery winner ng United Kingdom na si Jane Park.

Ayon sa ulat ng Inquirer.net, handa umanong magbigay ng taunang allowance na £60,000 o P4.1 million si Jane sa lalaking seseryoso at magiging loyal sa kanya.

Si Jane ang maswerteng naka-jackpot ng £1 million o nasa P68.4 million noong 2013 kung saan 17 taong gulang pa lamang siya noon.

Di tulad ng karamihang nakatamasa ng panalo sa lotto, naging miserable lang lalo raw ang buhay ni Jane na dumating pa sa punta na gusto niyang idemanda ang EuroMillions lottery dahil hinayaan nilang sumali ang menor de edad.

Dagdag pa niya, ang pagkapanalo raw niya sa lotto ang sumira sa kanyang buhay. Pakiramdam siya parang lalong naging "empty" o laging may kulang sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di rin kasi naging matagumpay ang mga naging relasyon kina X Factor finalist Sam Callahan at maging sa football player na si Jordan Piggott. Dahil sa labis na pagkabigo, nagdesisyon siya na maghanap muli ng bago, at "totoong" pag-ibig.

Walang ibang katangiang hinahanap ngayon si Jane kundi ang maging loyal sa kanya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso.

Para mas madali ang proseso, gagawa umano si Jane ng website kung saan pawedeng mag-apply ang mga lalaking nais siyang maging girlfriend.

Inaasahang magkakaroon din ng documentary ng interview sa pagpili na ipalalabas daw sa isang taon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel