Babaeng tinubuan ng tila pigsa sa ano, itlog ng insekto pala

Babaeng tinubuan ng tila pigsa sa ano, itlog ng insekto pala

-Nanggaling daw sa bakasyon ang babaeng ito nang may mapansin siyang parang tigyawat sa kanyang ari

-Nang magpatingin siyang muli sa doktor, napansin nila na may matigas na bagay sa loob ng inakalang pigsa

-Doon na nila napagalaman na ito pala ay itlog ng isang insekto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanggaling lamang sa kanyang honeymoon ang isang babae nang mapansin niyang tila may tumubong tigyawat sa kanyang ari, 2 buwan pagkatapos nilang makabalik.

Tumubo daw ito sa kaliwang bahagi ng kanyang ari.

Hindi naman daw ito masakit ngunit makati at inakalang kagat lamang ng insekto. Nang ipatingin niya ito sa dokto ay niresetahan lang daw siya ng antibiotic.

Ngunit hindi tumalab dito ang antibiotic at nang sumangguni siya sa isa pang doktor para sa second opinion, napansin nitong may matigas sa loob nito. Nagkaroon na rin daw ito ng nana sa gitna.

Inerekomenda na siya sa isang surgeon dahil tila daw may tumutubo na sa loob nito.

Nang mahiwa ito, nadiskubreng hindi nga ito pigsa kundi human botfly larva, o itlog ng botfly.

Ano nga ba ang insektong ito?

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang human botfly ay isang uri ng insekto na tumitira sa loob ng balat ng tao. Nagkakaroon daw nito ang isang tao kapag nakagat o nadapuan ng lamok o langaw na may dalang maliliit na itlog ng botfly.

Babaeng tinubuan ng tila pigsa sa ari, itlog ng insekto pala

Photo source: Getty images
Source: Facebook

Kapag nakabaon na sa balat ang mga itlog ay nagiging larva na ito, at umaabot ng 27-128 na araw sa balat bago ito mag-mature. Nagnanana rin ang mga sugat galing sa botfly, at kaya ito may butas ay para makahinga ang insekto sa loob, ayon sa The Asianparent Philippines.

Madalas daw itong tumubo sa ari, dibdib at mata ng tao. At kung minsan ay nararamdaman pa ang paggalaw ng insekto sa loob.

Wala naman itong dalang sakit ngunit nagdudulot ng impeksyon sa sugat ito. Maaalis ito sa pamamagitan ng operasyon para maalis ang botfly sa balat.

Upang makaiwas sdito, panatilihing malinis ang kapaligiran. Huwag pabayaang may nakimbak na tunig sa paligid na maaring pamahayan ng mga lamok. Huwag rin basta-basta magiiwan ng pagkain kung saan-saan.

Kung ang kagat ng lamok ay hindi agad na gumaling, agad nang magpakonsulta sa doktor.

Source: The Asianparent Philippines

Babaeng tinubuan ng tila pigsa sa ari, itlog ng insekto pala

Photo source: The Asianparent Phils.
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel