Maid, bistado sa pagnanakaw! Binenta online ang mga ninakaw sa amo

Maid, bistado sa pagnanakaw! Binenta online ang mga ninakaw sa amo

-Bistado ang isang kasambahay nang malaman na ang mga nawawala palang lahas ng kanyang dating amo ay ibinebenta niya online

-Ayon sa amo nito, pagkatapos ng kontrata nito ay umuwi na ito sa sariling bansa

-Nagsumite na ng ebidensya ang amo nito na mula sa Abu Dhabi sa mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsumite na ng ebidensya ang employer ng isang Asian maid sa mga awtoridad. Reklamo nito, ninakaw ng dati nitong kasambahay ang ilan sa kanyang mga gintong alahas.

Ayon sa report, sinabi raw ng employer nito na mula sa Abu dhabi na umuwi ang maid sa kanilang sariling bansa pagkatapos ng kontrata nito.

Dahil dito, kinailangang mag-hire nito ng bagong maid.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang madiskubreng nawawala ang kanyang mga alahas, agad nitong napagbintangan ang bagong kasambahay.

Ngunit kalaunan ay nadiskubre nilang ang dati palang kasambahay ang siyang nagnakaw ng mga ito.

Nakita nila ito sa social media na suot pa ang alahas ng amo at sa post nito sa Instagram ay sinabi pa nitong sabihan lamang siya kung may gustong bumili sa mga alahas.

Ayon sa report, itinago pa ang katauhan ng inaakusahang maid maging kung saan ito nagmula.

Source: The Filipino Times

Maid, bistado sa pagnanakaw! Binenta pa online ang mga ninakaw sa amo

Photo source: Getty images
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking walang mga kamay at paa, nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak

Lalaking walang mga kamay at paa, maayos na nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak

Lalaking walang mga kamay at paa, maayos na nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel