Melai Cantiveros, nakatikim ng sampal mula kay Amy Austria o ‘Nanay Dolor’ ng Halik

Melai Cantiveros, nakatikim ng sampal mula kay Amy Austria o ‘Nanay Dolor’ ng Halik

- Naka-experience ang aktres na si Melai Cantiveros ng sampal mula kay Amy Austria

- Nangyari ito sa programang Magandang Buhay habang guest si Amy o “Nanay Dolor” ng Halik

- Inilarawan ni Melai ang naramdaman niya matapos masampal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naranasan ng Kapamilya host na si Melai Cantiveros ang sikat na sampal ni Amy Austria o “Nanay Dolor” sa pinag-uusapang teleserye na “Halik.”

Nalaman ng KAMI na naganap ang pa-sample na sampal sa gitna mismo ng guesting ni Amy sa Magandang Buhay kung saan host naman sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai.

Bago pa man nangyari ang inaabangang sampal, ipinaliwanag muna ng beteranang aktres na hindi naman talaga malakas ang pagdampi ng kaniyang palad sa pisngi ng mga artista.

Sa katunayan daw ay dulo ng daliri ang kaniyang pinapatama upang maging matunog ito ngunit hindi masakit.

Ipinaliwanag din ni Amy na tuwing may mga eksena patungkol sa komprontahan, sinisiguro niya na maikli ang kaniyang mga kuko upang maiwasang masugatan ang mga celebrities.

Matapos mag-explain, nag-request ang studio audience na subukan ni Melai na tanggapin ang sampal ni Nanay Dolor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, nag-volunteer na din ang nakakatawang aktres at saw akas ay naranasan niya din kung paano ginagawa ni Amy ang mainit na eksena.

Ayon sa PBB Grand Winner, hindi daw talaga masakit ang sampal ni Nanay Dolor. Sa katunayan nga daw ay masarap ito sa pisngi at nagbiro pa siya na parang nare-rejuvenate ang kaniyang mukha.

Narito ang nakakatuwang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ibinahagi ng celebrity mom ang kaniyang mga karanasan at mga natutunan bilang ina ng dalawang bata.

Si Melai ay isinilang noong April 6, 1988 sa General Santos City. Pinakasalan niya ang kapwa housemate na si Jason Francisco ngunit pagkalipas ng ilang taon ay napabalita ang kanilang hiwalayan. Ngayon ay bumalik ulit sa piling ni Melai ang kaniyang asawa at masaya silang inaalagaan ang kanilang dalawang anak.

POPULAR: Read more news about Melai Cantiveros!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings? Click “Play” to watch our hilarious expectations vs. reality video about PayDay in the Philippines. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel