Palaboy na inglesero, dati raw propesor ng UP at Ateneo

Palaboy na inglesero, dati raw propesor ng UP at Ateneo

- Binahagi ng isang netizen ang kanyang karanasan sa isang matandang palaboy na inglesero

- Napag-alamang dating propesor ito ng UP at Ateneo

- Pinakain ito ng netizen at nakipagkwentuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinuwento ng netizen na si Faith Ares ang kanyang naiibang pagtulong sa di niya inaakalang dating propesor.

Kumakain lamang daw si Faith nang lumapit sa kanyang ang matandang palaboy. Nagulat siya na matatas itong nakakapagsalita ng ingles.

“Miss, I am sorry, but I have to tell you something. Please don’t get mad. And sorry to bother you but I’m not gonna ask for money, I’ll be asking for food to eat ‘coz I’m hungry,” wika ng palaboy.

Dahil dito, di natakot tulungan ni Faith ang matanda at inaya niya itong kumain. Habang kumakain, nakipagkwentuhan si Faith sa palaboy. Nalaman niyang dating propesor ng University of the Philippines at Ateneo ang kanyang kausap.

Nalaman din niyang 70 taong gulang na ito at kaya siya nasa Cebu ay para sana sa foreign exchange business na sa kasamaang palad ay nalugi.

Marami pa raw naikwento ang dating propesor at pinayuhan din siya nito na pagbutihin ang kanyang pag-aaral.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman din ni Faith na Jansen Locsin ang pangalan ng matanda na nais na raw makauwi ng Bacolod.

Nang makalabas sila ng kainan, binilhan pa ni Faith ng tubig ang matanda at inabutan niya ito ng ₱100. Ayaw pa sana itong tanggapin ni Sir Jansen ngunit nagpumilit si Faith na humihingi pa ng paumanhin dahil iyon lamang ang halaga na kaya niyang ibigay.

Sa kanyang post, hiningi na rin niya ng panawagan ang matanda na sana raw ay makabalik na sa kanyang pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte, Poe, and Robredo finally answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel