Ang tamis! Pagmamahalan na nagsimula pala sa polvoron, panalo sa sweetness

Ang tamis! Pagmamahalan na nagsimula pala sa polvoron, panalo sa sweetness

-Ibinahagi ng mag-asawang Alvin at Sharon Paredes ang kanilang love story na nagsimula lang daw sa polvoron

-Noong una, akala daw ni Alvin specila siya kay Sharon, 'yun pala binebentahan lang siya nito ng tindang polvoron

-At tulad ng ibang pagmamahalan, dumaan rin sila sa pagsubok nang magkasakit si Sharon, ngunit mas nanaig pa rin ang pagmamahal ni Alvin para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Akala raw ni Alvin Paredes, espesyal na siya para kay Sharon dahil binibigyan daw siya nito ng polvoron.

Ngunit may bayad pala ito dahil ang polvoron paninda pala ni Sharon.

"Akala ko libre, 'yun pala may bayad,"ani Alvin.

Ngunit may pagtingin rin naman pala siya para kay Sharon kaya naman niligawan niya ito.

"Typical, flowers, chocolates, hinahatid hanggang bahay, akala ko special na ako pero 'yun pala gusto nila makatipid sa pamasahe," kwento pa nito.

Pero 'di nagtagal ay sinagot rin naman siya ni Sharon na nabihag rin naman pala ni Alvin. Sinagot siya nito noong minsan na sila ay magbakasyon.

Ngunit tulad ng ibang love story, dumaan rin ang sa kanila sa pagsubok. Na-diagnose si Sharon ng Lupus. Sakit na inaatake ng immune system ang mga malulusog na cells at tissue.

Hindi ito naging sanhi ng pagsuko o pagbitiw ni Alvin, bagkus ay araw-araw niya itong dinadalaw.

"She was hospitalized for two months. Every day naandoon ako," kwento nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Sa tagal namin for almost 12 years, gusto niya ko pakasalan inspite of my condition," ani Sharon.

"Lahat ng pagmamahalan hindi lagi masaya, hindi lagi malungkot, lahat 'yan malalagpasan," dagdag nito.

Naitampok din ang kanilang istorya sa 'ASAP TLC'.

Patunay lamang na ang pagmamahalan, kahit na subukin man ng sakit, hindi pa rin bibitaw.

Naiulat na rin ng KAMI ang mag-asawang Tarcilla at Benjamin, na sinubok na rin ang pag-ibig ngunit nananatiling magkasama hanggang sa sila'y tumanda.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Expectations vs. Reality is a new format of HumanMeter video! Here you, our dear subscriber, can find funny stories about the things that happen when our expectations face reality. The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel