Single mom na umabandona sa 2 anak sa kalsada dahil daw sa "pagod", arestado

Single mom na umabandona sa 2 anak sa kalsada dahil daw sa "pagod", arestado

- Arestado ang isang 38-taong-gulang na ina na umabandona sa kanyang anak sa kalsada

- Nagawa raw ito ng ina dala ng "pagod" sa pagiging single mom

- Nasa pangangalaga na ng bahay ampunan ang dalwang bata habang nahaharap sa kasong two counts of misdemeanor child abuse ang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 38 taong gulang na ina ang inaresto matapos nitong iwan ang mga anak sa kalsada ng North Carolina, United States.

Ayon sa ulat ng Inquirer, kinilala ang ina na si Jennifer Westfall na napagod na raw di umano sa pagiging single mom kaya nagawa niyang iwan ang isang 9 na taong gulang at 19 na buwan gulang na mga anak.

Base sa ulat ng pulisya ng lugar, may nakakita umano kung paano iniwan ni Jennifer ang dalawang anak at humarurot na ito palayo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang nakasaksi ang siyang kumuha sa mga bata at dinala ito sa Child Protective Services ng paaralan.

Depensa ni Jennifer, di naman daw umalis agad at hinintay niyang may kumuha sa kanyang mga anak. Ayon naman sa North Carolina law, maari lamang mangyari ang legal abandonment sa sanggol na ilang araw lamang ang edad.

Nahaharap ngayon sa kasong two counts of misdemeanor child abuse ang ina habang ang mga anak niya ay nasa pangangalaga na ng bahay ampunan sa kanilang lugar.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ilang pamilya, nabubuhay lamang sa tira-tirang pagkain mula sa McDonalds

McDonalds leftovers, recooked and sold by some Filipino families

Ilang pamilya, nabubuhay lamang sa tira-tirang pagkain mula sa McDonalds
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel