Ibang klase! Pag-ibig na sinubok ng pagkalimot, kinilala pa rin ng puso

Ibang klase! Pag-ibig na sinubok ng pagkalimot, kinilala pa rin ng puso

-Natatanging pagmamahalan na sinubok at pinatatag na ng panahon

-Si lola, naging ulyanin na at minsa'y 'di na maalala ang asawa

-Ngunit si lolo, hindi pinabayaan ang kanyang mahal na may-bahay hanggang ngayon na kung minsan ay nakakalimutan siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-viral sa social media ang mag-asawang Tarcilla, 86, at Benjamin, 93, na nagpatunay na may forever talaga!

Ang apo nilang si Rizaldy Sangalang ang siyang nagbahagi ng kanilang lambingan sa pamamagitan ng video na in-upload nito sa facebook.

Si lola Tarcilla kasi, nag-ulyanin na at kung minsan daw ay hindi na makaalala. Sa video, makikita si lolo Benjamin na nakahiga sa isang hagai ng kanilang bahay dahil pinalayas daw ito sa kwarto ni lola Tarcilla.

"Ba't diyan ka nahiga? Ano ba'ng problema?" malambing na tanong ni lola Tarcilla habang tila ginigising ang asawa.

"Pinalalayas mo ako roon eh," sagot naman ni lol Benjamin.

"Pinalalayas ko raw siya. Kailan 'yon?" natatawang sabi pa ni lola Tarcilla.

"Sabi mo magagalit ang asawa mo," ani lolo Benjamin na tila ba nagtatampo.

Kaya naman ang mga netizens hindi rin napigilang kiligin at ma-touch sa usapan ng dalawa. Umabot na sa mahigit 60k ang shares ng video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento ng kanilang anak na si Lucilla, 68 taon nang nagsasama sina lola Tarcilla at lolo Benjamin, na dati palang magkapitbahay.

Ngunit nag-ulayanin umano si lola Tarcilla nang pumanaw ang isa nitong anak. Ngunit hindi daw ito iniwan o pinabayaan ni lolo Benjamin.

Talaga namang may forever! At marami sa atin ang tiyak na humanga rin sa pagmamahalan ng dalawa na sa kabila ng sakit na pagkalimot at patuloy pa ring nakikilala ng puso ang bawat isa.

Kamakailan lamang ay naitampok ang kanilang pagmamahalan sa 'ASAP TLC' at hinandugan ng kantang 'Kahit maputi na ang buhok ko'.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Expectations vs. Reality is a new format of HumanMeter video! Here you, our dear subscriber, can find funny stories about the things that happen when our expectations face reality. The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kabit ng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

Kabit ng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel