87-anyos, ipinagpatuloy ang pangarap na maging abogado

87-anyos, ipinagpatuloy ang pangarap na maging abogado

-Hindi naging hadlang ang kanyang edad upang ipagpatuloy ni Ibarra Mariano ang kanyang pangarap na maging abogado

-Nitong Linggo, isa si Mariano sa mga kumuha ng second set of Bar examination na ginanap sa University of Santo Tomas

-Panalangin na lamang ni Mariano, na magkaroon pa siya ng malusog na pangangatawan upang maisakatuparan ang matagal nang kagustuhang maging abogado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa si Retired Police Colonel Ibarra Mariano sa mga kumuha ng second set of Bar examination na ginanap sa University of Santo Tomas nitong Linggo.

Sa edad na 87, hindi naging hadlang ito sa kanyang pagkamit ng matagal nang pangarap na maging abogado.

“It is not really that hard but it is confusing and time consuming. All the important provisions of law are not even asked in the bar [examination],” ayon sa pahayag nito sa ABS-CBN News.

Sinabi rin nito, na nag-aalala rin siya sa kanyang sulat-kamay dala na rin ng katandaan.

"I have a problem with my right hand. Sometimes it’s aching. Even orthopedic doctor wanted to operate me but I said no, I may not be able to write during the exam so the operation will be done after the examination,” anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Garaduate mula sa Philippine Law School noong 1967, nagkaroon lamang siya ng pagkakataon na kumuha ng bar exam noong 1995, pagkatapos niyang magretiro.

Ngunit hindi siya nakapasa sa score na 70%, kulang lamang ng kaunti para sa passing grade noon.

Pagkatapos ng 51 taon mula nang maka-graduate, muling sumusubok si Mariano upang makamit ang matagal na niyang gusto.

“Hindi na tayo bumabata. I wanted to become a lawyer before I die. That’s why I took the interest to take it now [while] I can still write, I can still walk around alone,” anito.

“I am praying to God that I’ll be given good health to finish the bar examination so that, I hope, I become a lawyer by next year,” dagdag pa niya.

Isa nang matagumpay na tao si Mariano, matagal siyang nanilbihan sabayan sa pamamagitan ng pagiging isa sa Philipppine National Police (PNP).

Mula sa KAMI, hangad namin ang iyong tagumpay Ginoong Ibarra Mariano!

Source: ABS-CBN News

87-anyos, ipinagpatuloy ang pangarap na maging abogado

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

87-anyos, ipinagpatuloy ang pangarap na maging abogado

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Expectations vs. Reality is a new format of HumanMeter video! Here you, our dear subscriber, can find funny stories about the things that happen when our expectations face reality. The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel