Kim Chiu at Melai Cantiveros, grateful sa pagiging host ng PBB: Otso

Kim Chiu at Melai Cantiveros, grateful sa pagiging host ng PBB: Otso

- Sa pagbukas ng bagong edisyon ng Pinoy Big Brothery, ang PBB: Otso, ay ang pagdating ng dalawang bagong hosts

- Hindi sila iba sa pinakasikat na bahay sa Pinas dahil dati silang mga housemates ni Kuya at naging mga Big Winners rin sa kani-kanilang seasons

- Ang dalawang bagong hosts ng PBB ay walang iba kung hindi sina Chinita Princess Kim Chiu at Magandang Buhay host Melai Cantiveros

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila walang masisidlan sa kanilang kasiyahan ang dating mga housemates sa Bahay ni Kuya na sina Chinita Princess Kim Chiu at Magandang Buhay host Melai Cantiveros, at spotted ng ng KAMI ang kanilang taos pusong pasasalamat sa pagiging bagong mga hosts ng PBB: Otso.

Ginamit nila ang kanilang Instagram account para maipahayag ang tuwa, galak, at taos pusong pasasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kanila.

Sa caption ni Kim, saad niya:

"still in cloud 9 last night was a surreal experience or should I say full circle moment, never have I imagined to be standing here in front of the house that unfolded my dreams 12 years ago, I never thought to be saying those “few minutes left to vote” or “sa pagbabalik ng...” sounds funny, OA pero i wanna cry im just very thankful to @pbbabscbntv @direklauren tita cory and sa lahat ng bumubuo ng #PBBOTSO for this opportunity that you have given to me along with THE @celestinegonzaga and to my #STARHUNT fam @iamrobidomingo @mrandmrsfrancisco @cathygonzaga happy to be a part of this journey!!!"

Hindi din nagpahuli si Melai sa kanyang full of gratitude na caption na maging parte ng PBB: Otso.

Ani pa ni Melai na sinulat ang kanyang caption sa Cebuana, na pabiro na taos pusong nagpapasalamat, kung mayroon daw na mas mahigit pa sa "Makakaiyak ng Lata," kung ano man raw iyon, yun daw ang kanyang pakiramdam.

Sobrang overwhelm daw siya sa pagkasali niya bilang isa sa mga hosts ng Pinoy Big Brother.

Madali lang raw siya makontento sa buya.

Pero ito daw na bigay na experience ni God na maging host sa show kung saan siya nanggaling at nagbukas ng oportunidad sa kanya ay talaga naman makakawindang umano.

Hindi daw niya inasahan at hindi rin raw niya pinangarap dahil imposible raw pero kay God umano wala talagang imposible.

At ito ng raw ay makasama niya sa hosting ang kanyang iniidolo na host, na naghashtag pa siya na #hostgoal, na si Ate Toni niya ug ang kanyang close na mga kaibigan na sina Alex Gonzaga, Kim Chiu, at si Robi Domingo.

Sa pagtatapos ni Melai, sinabi niya kung gaano raw ka-amazing ang nangyari at nagpapasalamat siya sa maykapal dahil dito.

Matatandaan na unang nakilala at first TV appearance nina Kim Chiu at Melai Cantiveros ay ang sikat na Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother House.

Si Kim Chiu ay Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition, noong 2006, at si Melai naman ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009-2010.

Ibinahagi nami kamakailan ang 15 dating PBB housemates, na unang nakita at nakilala sa show na ngayon ay super sikat na.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Marco Gumabao frankly speaks up about depression issue of Diego Loyzaga

Marco Gumabao opens up anew about depression issue of Diego Loyzaga

Marco Gumabao opens up anew about depression issue of Diego Loyzaga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel