Sumbong ng mister na di pagtanggap sa misis niya sa ER ng PGH, iimbestigahan na

Sumbong ng mister na di pagtanggap sa misis niya sa ER ng PGH, iimbestigahan na

- Naging kontrobersyal ang sumbong ng mag-asawang tinanggihan ng guwardiya na ipasok sa emergency room ng Philippine General Hospital

- Ayon sa guwardiya, wala na raw oxygen na maaring maipa-gamit sa misis kaya di na ito pinapasok pa sa ER

- Depensa ng ospital, pag puno na talaga ang ospital, agaw buhay na lamang ang kanilang pinapapasok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na ang PGH patungkol sa pinupikol sa kanilang alegasyon sa di pagtanggap sa isang pasyente na naka-ambulansya na.

Pinigilan umano ng guwardiya ng ospital na ipasok pa ang pasyente gayong naka-ambulansiya na ito at nangangailangan na ng oxygen.

May sakit na lymphoma si Lei ang misis ng nagrereklamo na si Randy Barilla. Sinugod umano ito sa Philippine General hospital dahil sa kailangan na nito ng oxygen. Sa kasamaang palad, hinarang na agad sila ng guwardiya at sinabing wala nang oxygen na maaring ipagamit kay Lei.

Dala ng sama ng loob sa di pag-apula sa sitwasyon ng misis, nagawang kunan ni Randy ng video ang sitwasyon kung paano sila trinato ng guwardiya sa ospital at binahagi ito sa social media.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin daw pinaalis ang ambulansiya kaagad hangga't di binubura ni Randy ang video.

Tugon ng PGH, sadyang kakaunti ang maari nilang maipasok agad sa emergency roon dahil sa nire-renovate ito.

Humingi rin ng dispensa PGH Spokesperson Jonas Del Rosario sa mag-asawa na Barilla dahil umano sa di magandang karanasan nila sa ospital.

Nangako rin ang ospital na iimbestigahan ang insidente habang umaasa naman ang mag-asawa na magiging maayos ang gusot nila sa ospital.

Pakiusap ni Randy, huwag naman sana maulit pa ang insidente. "Sa pamunuan ng PGH, lalo na doon sa mga security officer, sana huwag naman kayo ganoon kagrabe," panwagan ni Randy.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel