Pangulong Duterte, nagsalita sa issue na PH vs. China war

Pangulong Duterte, nagsalita sa issue na PH vs. China war

- Inamin ni Pangulong Duterte na tila hindi pa handa para sa gera ang Pilipinas

- Giit pa niya na mayapang pinag-uusapan ng China at Pinas ang mga issue

- Tila hanggang ngayon nga ay hinihintay pa rin ang oil exploration deal ng Pinas at China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado si Pangulong Duterte na tila hindi pa handa ang Pilipinas na pumasok sa gera at kalabanin ang China. Nalaman ng KAMI sa Philippine Star na diretsahang sinabi ni Duterte raw ito habang nasa Subaraw Biodiversity Festival sa Palawan.

“The Philippines is not ready for a war. We cannot afford it and we cannot manage it,” giit ni Pangulong Duterte.

“The island (of Palawan) is very critical and I think as a matter of foreign policy, I will not allow any country to stockpile any kind of weapon here,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na malaki ang posibilidad na matamaan ang Palawan kung sakaling matuloy nga ang pag-aagawan ng Pilipinas at China sa South China Sea.

“All of those (missiles and bullets) that may have misfired, they will hit Palawan. That’s the truth,” sabi ng Pangulo.

Nanalo nga ang Pilipinas sa China noong 2016 upang magkaroon ng economic rights ang bansa sa ilang bahagi ng South China Sea. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natutuloy ang usap-usapang oil exploration deal sa China. Dagdag naman ni Pangulong Duterte ay mapayapang aayusin ng dalawang bansa ang mga issue.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pangulong Duterte, nagsalita sa issue na PH vs. China war

Photo from Inquirer
Source: Facebook

“Well you know, Mr. President, we just renewed our good relations which were interrupted,” giit ni Pangulong Duterte na sabi raw ni President Xi Jinping ng China patukoy kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“So you are here, we will just have to solve it the peaceful way. We will talk about it from time to time,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Base sa report ng CNN Philippines, noong 2012 ay ipinagbawal ni Aquino ang anumang oil exploration o drilling works sa West Philippine Sea dahil nga sa tension sa pagitan ng Pinas at China.

Samantala, dati na ngang naiulat ng KAMI na pumirma si Pangulong Duterte ng isang oil exploration deal sa isang Israeli firm na Ratio Petroleum Limited. Ang deal na ito ay tatagal ng pitong taon at gaganapin sa Area 4 o East Palawan Basin.

POPULAR: Read more news about President Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Expectations vs. Reality is a new format of HumanMeter video! Here you, our dear subscriber, can find funny stories about the things that happen when our expectations face reality. The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel