Babala sa mga magulang! Takip ng bote nalunok at ikinasawi ng 1 baby

Babala sa mga magulang! Takip ng bote nalunok at ikinasawi ng 1 baby

-Ikinasawi ng isang 8 buwang gulang na sanggol ang takip ng isang 1-liter bottle matapos niya itong malunok

-Ayon sa ina, binabantayan ito ng lola niya nang mangyari ang aksidente

-Nadala pa ito sa ospital ngunit kritikal na ang lagay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lubos na pangungulila ang nararamdaman ngayon ng pamilya ni baby Rhea Jane matapos itong pumanaw dahil sa takip ng bote ng softdrinks.

Ayon sa ina ng sanggol, ang lola nito ang nagbabantay dito nang mangyari ang insidente. Nagising na lamang siya nang marinig ang pag-iyak ng kanyang anak.

Posible umanong naabot ng bata ang takip ng isang litro ng bote ng softdrinks na 'di kalayuan kung nasaan ito. Nalingat lang daw sandali ang lola nito ay naisubo na umano nito ang takip.

Nagawa pang kunin ng lola nito ang takip mula sa bibig ngunit nang matanggal iyon ay nagsuka na umano ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad na isinugod ito sa ospital ngunit kritikal na daw ito ayon sa mga doktor nang madala ito. Ginawa naman daw lahat ng mga doktor ang nararapat para malunasana ng sanggol.

Ngunit pumanaw rin si baby Rhea Jane. Ayon sa doktor, naubusan umano ito ng oxygen at naapektuhan na ang utak nito.

Wala naman daw sinisisi ang ina ni baby Rhea Jane dahil aksidente ang nagyari.

Upang makaiwas sa mga panganib katulad nito, mas mainam na ang maging maingat kahit pa nasa loob lamang ng tahanan.

Huwag pabayaang maglaro mag-isa ang mga bata kahit pa nga nasa loob lamang sila ng bahay. Maaari kasing makakuha sila ng mga bagay na posible nilang ikapahamak.

Hindi rin dapat na hayaan itong maglaro ng mga laruan na may maliliit na bahagi lalo pa 3 taon pababa.

Ang bata ang likas na curious kung kaya naman dapat din na doble ingat ang mga magulang o nagbabantay dito.

Source: The Asianparent Phils., The Wau

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Expectations vs. Reality is a new format of HumanMeter video! Here you, our dear subscriber, can find funny stories about the things that happen when our expectations face reality. The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'

4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'

4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel