Ansabe? Pangulong Duterte, may mga bwelta kay Sen. Kiko Pangilinan

Ansabe? Pangulong Duterte, may mga bwelta kay Sen. Kiko Pangilinan

- Tila patuloy nga ang tirada ni Pangulong Duterte kay Senator Kiko Pangilinan

- Para sa Pangulo, si Pangilinan daw ang “pinakabobo” na abogado

- Si Pangilinan kasi ang nasa likod ng batas na ginawang 15 ang age of criminal responsibility

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May bagong tirada na naman si Pangulong Rodrigo Duterte kay opposition Senator Francis “Kiko” Pangilinan. Nalaman ng KAMI sa Inquirer na may mga pahiwatig ang Pangulo sa lider ng Liberal Party nang magsalita siya sa Subaraw Biodiversity Festival sa Palawan.

Patuloy nga ang kritisismo ng Pangulo sa batas na isinulong ni Pangilinan na ginawang 15 ang age of criminal responsibility sa bansa base sa Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

“Pinasa niya ang batas sa juvenile law…Fifteen years old, hindi mo makulong. Doon tayo nagkaroon ng great injustice,” sabi ni Duterte.

“Make sure that your argument is also better than mine because if you do not have anything to say except to criticize like Pangilinan, well I'm sorry, better shut up,” giit ni Pangulong Duterte.

Kayang kaya rind aw sirain ng Pangulo si Pangilinan sa loob lamang ng dalawang minuto.

Aniya, “Wala ka talaga. Ikaw 'yung abogado nalaman kong pinakabobo sa lahat. I will --- I'm not --- I'm not trying to destroy him. But I will --- in two minutes, I will destroy him."

"Labas-pasok all throughout of the country. Ang nagkasala, rape with homicide, balewala…Mag-isip lang kayo noon pa hindi pa panahon sa batas ni Pangilinan at ngayon... Hindi mo talaga ma-detain ang bata whatever the crime may be. It could even be genocide. Walang sasagutin,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, dati na ngang naiulat ng KAMI na nais isulong ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ibaba ang age of criminal liability sa 13. Nakasaad din sa Senate Bill 2026 na ang mga batang magkakasala na may edad 10 hanggang 12 ay idedeclare bilang “neglected children”.

POPULAR: Read more news about President Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Expectations vs. Reality is a new format of HumanMeter video! Here you, our dear subscriber, can find funny stories about the things that happen when our expectations face reality. The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel