9 na taong gulang na bata na itinali at binusalan, patay sa matinding pamamalo raw ng ina

9 na taong gulang na bata na itinali at binusalan, patay sa matinding pamamalo raw ng ina

- Patay ang 9 na taong gulang na bata mula sa Basilan dahil sa matinding pamamalo ng ina

- Kumupit daw ng ₱50 ang bata kaya raw ito nagawa ng ina

- Mismong ang ina rin ang nakapansin na di na gumagalaw at wala nang buhay ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aksidente namatay ang isang 9 na tang gulang na bata dahil daw sa matinding pamamalo ng ina.

Ayon sa ulat ng GMA news, nangupit daw ang bata ng ₱50 kaya naman bilang parusa,iginapos at binusalan ito saka hintaw ng kawayan ng ina.

Naganap ang insidente bandang alas diyes ng gabi noong Sabado, Nobyembre 10 sa bayan ng Lantawan sa basilan.

Kwento pa ng mga kapitbahay, ang ina rin mismo ang nakapansin sa wala nang buhay na anak. Nakatali parin daw ito sa kwarto kung saan ito pinagpapalo ngunit di na ito gumagalaw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, napuno raw ng pasa ang buong katawang ng bata. Ito marahil ang dahilan kumbakit di kinaya ng katawan ang sakit at tuluyan na itong nawalan ng buhay.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang bata ngunit dead on arrival na rin ito.

Kasalukuyan nang nakakulong ang ina ng bata na nahaharap sa kasong parricide.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel