Bokelya si meme! Vice Ganda, nabuking ang feelings para kay Calvin Abueva

Bokelya si meme! Vice Ganda, nabuking ang feelings para kay Calvin Abueva

- Hindi mamatay-matay ang isyu tungkol sa umano'y pagkakamabutihan ni Vice Ganda at ng basketbolistang si Calvin Abueva

- Ilang beses na ring nagsalita sina Vice Ganda at Calvin tungkol sa estado ng kanilang relasyon

- Hindi naman siya nakalusot sa laruang lie detector test nang tanungin siya ni Maja Salvador kung in love nga ba siya sa basketbolista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang tunay na estado ng relasyon nina Vice Ganda at Calvin Abueva. Kahit ilang beses na silang nagpaliwanag na magkaibigan lang sila.

Kahit sa noontime show na It's Showtime, walang humpay ang panunukso ng mga hosts kay Vice Ganda. Sa guesting nina Maja Salvador at Zanjoe Marudo sa Gandang Gabi Vice, gumamit sila ng laruang lie detector test.

Matapos tanungin si Maja at Zanjoe, si Vice naman ang isinalang. Dahil na rin sa udyok ng mga live audience, tinanong ni Maja kung in love nga ba siya kay Calvin.

Malalaman kung nagsisinungaling ang taong nakahawak sa detector dahil makukuryente ito at wala namang mangyayari kapag nagsasabi ng katotohanan.

Napuno ng hiyawan nang makuryente si Vice nang sabihin niyang hindi siya in love sa basketbolista.

"Naramdaman mo? Parang nagalit siya, lahat kami na-ground eh," tanong ni Vice sa mga guest na nakahawak din sa kanya. Makikita din sa kanilang reaksiyon na naramdaman nila iyon.

"You don't trust things, you trust feelings," paglilinaw pa ng TV host.

"Hindi nga ako umamin kay Tito Boy (Abunda), sa 'yo umamin ako. Close ba tayo?" hirit pa nito na tila kinakausap ang laruan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang sinabi ni Vice na masaya siya sa pagkakaibigan nila ni Calvin dahil hindi ito nahihiyang umaming malapit sila sa isa't-isa.

"Sobra ko po siyang naa-appreciate kasi sa dinami dami ng naging kaibigan ko na basketball players, iilan lang doon ang naging proud na, 'Malapit na malapit talaga ako kay Vice,'" paglilinaw niya.

Si Calvin Abueva ay isang professional basketball player under Phoenix Fuel Master.

Si Vice Ganda ay komedyante, actor, host sa ABS-CBN.

POPULAR: Read more about Vice Ganda here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel