Ina, nagpatulong mapalayas ang bastos na anak na nambato raw sa kanya ng "tocino"

Ina, nagpatulong mapalayas ang bastos na anak na nambato raw sa kanya ng "tocino"

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang lola na nais nang palayasin ang anak na bastos

- Pinagkakaisahan umano siya ng anak niya at asawa nito madalas kaya raw siya nagkakasakit

- Naisakatuparan man ang nais ng matanda ngunit masasabing di parin ito sa maayos na paraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog ang si lola Carmelita kasama ang kanyang babaeng anak sa programa ni Raffy Tulfo upang mapalayas daw ang anak naman niyang lalaki at pamilya nito.

Ayon sa mismong kwento mismo ni lola Carmelita, madalas daw siyang pagtulungan ng anak niya at asawa nito dahilan para makaramdam siya ng iba't ibang sakit.

Kasama pa rin daw ni lola Carmelita ang anak na lalaki at pamilya nito kahit pa may trabaho na ito maging ang asawa nito.

Imbis na matuwa ang matanda ay may kasama pa rin siya sa kanyang bahay, mas gugustuhin daw niyang mapalayas ang anak nito na walang respeto.

Nang makausap ang inirereklamong anak na si Christian, nilinaw niyang di raw siya bastos. Sinabi rin niya na aalis din naman sila sa pudar ng ina ngunit may inaayos lang silang mag-asawa.

Humingi sila ng kaunting palugit ngunit di na pumayag ang ina at binanggit ni Tulfo na bago magdilim ay makaalis na si Christian sa bahay ng ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa raw kasing halimbawa ng pambabastos ni Christian sa ina ay ang pambabato nito ng Tocino. Depensa naman ng anak, di ang ina ang kaaway niya kundi ang panganay nitong anak na lasenggero daw.

Ayon naman sa ina, nagseselos lang daw si Christian sa kapatid na lagi raw nitong kinakampihan.

Sa mismong programa, di napigilang maglabas ng saloobin si lola Carmelita na hiyang hiya na raw sa mga kapitbahay dahil sa naririnig at nakikita ng mga ito ang ginagawang pambabastos ng anak.

Nabanggit din ni lola Carmelita na nararanasan niyang gutumin ng pamilya ni Christian. Dahil sa pagbubunganga na ng ina, nawala na si Christian sa kabilang linya.

Mismong araw ding iyon, pinuntahan ng programa ni Raffy Tulfo ang bahay nina lola Carmelita kung saan nadatnan nila ang pamilya ng anak.

Dito di na rin napigilan ng anak na babae ni lola Carmelita na maglabas ng saloobin sa kapatid. Makikita rin kung gaano kagulo ang sitwasyon sa bahay kaya naman ganoon na lamang ang kagustuhan ng matanda na mapalayas ang anak at pamilya nito.

Tinanong pa ang isa sa mga apo ng matanda kung totoo raw na binato ni Christian ang ina, sumagot ang bata ng "oo".

Tuluyan nang nagkagulo ang mismong mga anak ni lola Carmelita kahit pa may mga pulis nang kasama ang programa ni Tulfo.

Bago umalis si Christian, nagkapirmahan muna sa barangay na di na muli dapat itong bumalik pa sa lugar ng ina.

Sa barangay naglabas ng saloobin si Christian at sinabing mali rin ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kapatid lalo pa na siya ang bunso. Nagpasalamat si lola Carmelita at anak nitong babae sa pagresponde ng programa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel