OFW, iniwan ang magandang trabaho sa Brunei para gumawa ng sardinas

OFW, iniwan ang magandang trabaho sa Brunei para gumawa ng sardinas

- Iniwan ng OFW na si Mike Cases ang magandang trabaho niya para gumawa ng sardinas

- Mas pinili ni Mike ang manatili sa bansa at palaguin ang negosyo sa sardinas

- Di naman siya nagsisi at patuloy na namamayagpag ang kanyang sardines business

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taong 1994 nang maging OFW sa Brunei si Mike Cases. Noon, binabayaran ng sultan ng Brunei si Mike ng US$3,000 kada buwan upang pamahalaanan ang construction ng Jerudong Theme Park, ang katumbas ng Disneyland sa Japan.

Bukod sa nakakalulang swldo niya noon, maswerte si Mike dahil libre ang kanilang tirahan doon maging ang tubig at kuryente at paggamit ng ilang kagamitan don ay libre. Kaya naman malaki ang naipon ni Mike dahil sa wala na halos silang ibang pinagkakagastusan ng kanyang misis na si Aliw.

Ngunit, makalipas lamang ang apat na taon, hinikayat ni Mike ang kanyang misis na bumalik sa Pinas, sa bayang sinilangan niya sa Dipolog City in Zamboanga del Norte upang tuparin ang pinapangarap niyang negosyo roon.

“Kinailangan ko nang gawin ‘yung trabaho na gusto ko doon sa lugar ko,” aniya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1998 nang tuluyan na silang bumalik ng Pilipinas. Nagbenta rin sila ng ilang ari-arian at may ipon na rin sila na 1.5 million pesos na napakalaking halaga na noong panahong iyon.

Nasimulan na niya ang bottling sardines business sa tulong ng kanyang misis at tatlong mga kapatid.

Nakilala niya ang una niyang kliyente sa nang di inaasahan sa kanilang US trip. Isang American-Vietnamese na negosyante ang naging interesado na kumuha ng sardinas ni Mike upang ilako sa kanyang grocery store doon.

Dito nagsimula na ang sunod sunod na swerte sa kanilang negosyo na di na mapigilan ang paglago nito.

Payo ni "Tito Mike" “Mag-start sila sa paligid nila, sa bayan nila, at magtanong kung anong mga raw materials ang maaaring i-develop,” he says. “May mga government agencies na tutulong.”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel